in , ,

Regine Velasquez, na-guilty matapos balikan ang pagiging isang 3rd party NOON!

Sa bihirang pagkakataon naging bukas sa publiko si Ms. Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang pinagdaanan sa relasyon nila ng asawang si Ogie Alcasid.

 

 

Sa programang ‘Magandang Buhay’, hindi napigilan ni Ms. Regine ang emosyon ng balikan ang pagiging ” third party” niya noon sa dating mag-asawang sina Ogie Alcasid at si Michelle Van Eimeren.

 

 

 

Ayon sa singer, hindi niya ninais na maging isang 3rd party sa isang relasyon dahil alam niya na maari siyang makasira at makapanakit ng isang pamilya.

 

 

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil sa hindi inaasahang mahulog ang loob niya kay Ogie na asawa na niya ngayon.

“My husband and I started that way, pero ‘yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya. Kasi pwede rin namang mangyari rin talaga ‘yun eh… hindi mo naman pinipili ‘yung mga mamahalin mo eh. Parang, gusto ko bang sadyain ‘yun, gusto ko ba na merong masaktan? May mga matitinong tao na hindi naman ‘yun ang iniisip nila. It’s just that, sometimes it happens.” 

 

 

Pagbabahagi pa niya, hindi naman daw niya alam kung ano ang totoong nangyayari sa relasyon noon ni Ogie at Michelle.

“Meron sa hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time. I don’t know kasi hindi naman ako kasali doon eh. But it happened. But I just have to say, it was so difficult. And if I can bring back the time? I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan. Na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together.”

 

 

Ngunit kahit napatawad na siya ni Michelle at maayos na ang pagitan nila, mabigat pa rin sa loob ng singer ang nangyari noon.

 

 

Ngunit nananatiling may guilt-feeling sa kanya. Sa kabilang banda, hindi parin niya luibusang napapatawad ang kanyang sarili sa kanyang nagawa noon.

 

 

“Every now and then, I would remember what happened to us and I’d still be guilty. So mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao. And I’m a decent person and I do not want to hurt anyone. That’s the last thing that I would want in my life. But it happens.”

 

 

Sa huli, nagbigay si Regine Velaquez ng friendly advice para sa mga taong nagiging 3rd party ng isang relasyon.

“Doon sa mga nagiging third party, of course we know what’s right and what’s wrong. But sometimes, when you are in that situation, pinipili mong ‘wag tingnan ‘yung mali. Pipiliin mo lang kung ano ‘yung nasa puso mo. And it’s very difficult to decide not to be in that situation anymore kasi doon ka masaya eh.” 

 

 

Dagdag pa niya, bagamat dapat lang din naman na bigyan mo ng importansya ang iyong sarili at kung ano ang magpapakasaya sayo, hindi parin tama na maging 3rd party. Dapat lang daw na isipin mong maigi kung kaya mo nga ba panindigan ang mga desisyon mo.

 

 

“Before you really make yourself involved with this person, isipin mo muna sa sarili mo kung kaya mo rin panindigan ‘yun. Kasi it’s really very, very difficult to be in that [situation].” 

 

 

Gayunpaman,  pareho naman ng masayang ang dalawang pamilya. Si Regine kasama ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid at kanilang anak na si Nathan, at si Michelle kasama ng kanyang bagong asawa sa Australia.

 

Toni Fowler nagbigay update sa kanyang health condition ngayon

Coco Martin may sweet surprise birthday party para sa rumored girlfriend na si Julia Montes