in

Karen Davila nagpaliwanag matapos mamataan sa caravan ng UniTeam sa Cavite

Agad na nagbigay ng kanyang paliwanag ang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila. Matapos mag-viral ang larawan niyang nakuhanan sa caravan ng UniTeam sa Cavite.

Ngayong Martes, March 22, 2022, kasalukuyang ginaganap ang pangangampanya ng UniTeam sa Cavite. Kung saan magkakaroon sila ng grand proclamation rally sa General Trias mamayang gabi.

Marami naman ang nagulat lalo na ang mga supporters ng UniTeam ng makita nila ang TV Patrol anchor na sakay sa sasakyan ng presidential candidate habang kinakamayan ang mga Caviteño.

Agad nilang kinwestyon kung bakit nga ba naroon si Karen dahil ang paniniwala nila ay Anti-Marcos ito.

Saad nga ng isang twitter user, “Buti naman at pinayagan ng uniteam si Karen Davila na makisabay sa caravan. We all know na sagad to the bones pagkadilawan niyan! Iba talaga kapag mababait At walang halong paet!”

Hirit pa ng isa,  “Hayaan na natin si Karen Davila na sumama sa caravan ni BBM para malaman nya kung gaano ka lakas si BBM sa mga tao.”

Kaagad namang nilinaw ni Karen sa kanyang Twitter account kung bakit siya nasa caravan ni Marcos, Jr. Ayon sa kanya, trabaho ang kanyang ginagawa at may kaugnayan ito sa election campaign series ng ABS-CBN.

Ang iba raw niyang kasamahang anchors ay naka-assign naman sa iba pang presidential aspirants. Ang natoka sa kanya ay sina Bongbong at Senator Manny Pacquiao.

Sa kanyang Instagram Story, pinabulaanan din ni Karen na iniendorso niya ang kandidatura ni Marcos Jr. o sinumang kandidato.

Aniya, “Guys, I am on assignment. Behind the scenes, upclose with the presidential candidates. I am not endorsing or campaigning for any candidate. Trabaho po ito.”

Sa isa pang tweet, ipinost ni Karen ang larawan nila ni Pacquiao, na nauna niyang nakapanayam, upang pabulaanan ang mga kumakalat na “fake news.”

Coco Martin may sweet surprise birthday party para sa rumored girlfriend na si Julia Montes

Erich Gonzales ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo