in

Coco Martin may sweet surprise birthday party para sa rumored girlfriend na si Julia Montes

Kinakiligan ng marami ang naging surpresa ni Coco Martin para sa kaarawan ni Julia Montes.

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong March 19, sinorpresa ang aktres ng cast at crew ng “Ang Probinsyano”.

Sa set nito kung saan ang rumored boyfriend niyang si Coco Martin ang nanguna.

Makikitang nakahilera ang lahat habang inaawitan siya ng ‘Happy Birthday’. At syempre, sa bandang dulo, naroon si Coco na may hawak na cake, bago ito hipan ng aktres.

Nahagip ng camera sa isang cellphone, na kahit medyo blurred, makikitang hinalikan ni Julia si Coco sa labi at tila naghiyawan ang lahat.

Sa isang video, makikita ang pagiging emosyonal ng 27 years old actress nang batiin siya ng kanyang mga kasamahan.

Sa video naman na ibinahagi ni Rosanna Roces at makikita din ang pagluha ni Julia. Pero kilig na kilig naman ang CocoJuls fans dahil sa surpresa ng aktor.

Ilang larawan naman na kuha sa naganap na celebration ang ipinost ng fan page nina Coco at Julia.  Na hindi magkamayaw sa kilig dahil sa makikitang ka-sweetan ng kanilang mga idolo.

Matagal na rin namang alam ng publiko ang tungkol sa relasyon nina Coco at Julia.

Pero siyempre hinihintay pa rin ng lahat ang diretsahan nilang pag-amin.

Regine Velasquez, na-guilty matapos balikan ang pagiging isang 3rd party NOON!

Karen Davila nagpaliwanag matapos mamataan sa caravan ng UniTeam sa Cavite