in

Video ng reaksyon ni Angelica Panganiban nang malaman niyang buntis na siya, viral ngayon sa social media

Napatili at mangiyak-ngiyak sa sobrang kasiyahan si Angelica Panganiban ng malaman niyang siya ay nagadalang tao na.

Kahapon March 20, ipinahayag na ni Angelica sa publiko. Na siya ay buntis na sa magiging panganay nila ng non showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Matapos naman ng anunsyong ito ni Angelica, ay ibinahagi ng isa sa kanyang malapit na kaibigan na si Alora Sasam ang isang video.

Aniya pwede na niyang ilabas ang resibo dahil nagsalita na ang ‘Mamah’ (referring to Angelica). Sa nasabing video ay makikita ang reaksyon ni Angelica nang una niyang malaman na siya nga ay magiging ganap ng isang ina.

“Happy ka?” maririnig na tanong ni Alora kay Angelica habang hawak hawak ang pregnancy test.

“Di ko pa alam? Mababaliw ako, dito ko talaga nalaman,” napatiling sagot naman ni Angelica na bakas ang kasiyahan sa kanyang mga ngiti.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by alora sasam (@alorskieee)

Sa caption naman ng post ni Alora saad nito, “Sakit panga ko kakangiti habang pinagmamasadan kang in shock, iyak-iyak, excited, di mapakali na ewan. At hirap itago ah. Excited pa naman akong makatrabaho ka ulit (top reason ka bakit tinanggap ko diba? Lamoyan!) pero kebs na dahil kapalit nun ang matagal mo ng pinangarap.

“Marami kaming prayer warriors mo. Stay healthy and have a happy rollercoaster paglilihi.”

Sa pagtatapos ng kanyang post ay hiling at dasal ni Alora sa kaibigan ay ang magandang kalusugan nito at ng paparating nitong baby.

Totoong dahilan sa likod ng viral na larawan ni Andrea Brillantes kasama sina Kyle at Darren inilabas na!

Toni Fowler nagbigay update sa kanyang health condition ngayon