in ,

Toni Fowler nagbigay update sa kanyang health condition ngayon

May pa-stomach tour ang kontrobersyal at sikat na vlogger na si Toni Fowler sa kanyang latest vlog sa YouTube.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Toni na isinugod siya sa ospial ni Vince Flores. Ito ay dahil sa acid reffux o matinding pananakit na sikmura.

Dahil dito, hindi napigilan ng mga fans ni Toni na mag-alala at ipagdasal ang kanyang paggaling. Kaya naman sa kanyang latest vlog ay nagbigay siya ng update sa kanyang kundisyon ngayon.

Sumailalim si Toni sa endoscopy at ipinakita niya ito sa kanyang mga viewers. Tinawag niya pa ang procedure na stomach tour.

“Sobrang bihira diba? Na nasa OR ka dahil sa health mo, hindi dahil magpapaganda ka, ooperahan ka para gaganda yung ilong mo,” saad ni Toni.

Matapos nito ay umuwi na rin sina Toni at Tito Vince. Hindi naman napigilan ni Toni ang kasiyahan nang masilayan muli ang kanyang anak na si Tyronia.

Sa comment section naman ng kanyang post ay panalangin sa kanyang agarang pag-galing ang inihain ng kanyang mga supporters.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Pagaling ka mameh,tulungan ka namin magdasal para sa mabilis mong recovery loveyou and stay safe”

“Lupet ni mommy Oni kala ko house and condo tour Lang pati tyan na tour na din anyways pagaling ka po mommy Oni godbless Jesus loves you and protect your family always”

“Naaawa ako sa ‘yo habang pinapanood kita mahal ko. Grabe po, you’re so strong and brave. I’m very thankful na nakalabas ka na po. Rest more my mameh, don’t sress yourself too much po. Sundin mo po yung mga bawal.”

Video ng reaksyon ni Angelica Panganiban nang malaman niyang buntis na siya, viral ngayon sa social media

Regine Velasquez, na-guilty matapos balikan ang pagiging isang 3rd party NOON!