in , ,

VIRAL! Ang gwapong award-winning actor turned dishwasher? Sobrang kinakiligan ng mga netizens

Sino nga namang artista ang di mag aalinlangang pumunta sa kitchen ng isang bar para lamang maghugas ng pinggan?

 

 

Viral ang video ni Jericho Rosales kung saan makikitang naging ‘dishwasher’ ito sa isang bar na pinuntahan. Ang sinasabing video ay ikinagulat at  kinatuwaan naman ng maraming netizens.

 

 

Sa social media platform na TikTok, inilabas ng account user na “melissayozel”, na isang bartender sa La Union ang nasabing video ng aktor.

 

 

Tinulungan raw kasi siya ni Jericho Rosales na hugasan ang mga natirang hugasin dahil mag-isa na lamang siyang staff sa bar.

 

 

Sa caption nito, sinabi niyang,

“ayaw niyo ba talaga ng story time? hahahah sinong artista pupunta sa likod ng bar para mag hugas?! #jerichorosales lang sakalam!”

 

 

Mabilis na nakaakit ng atensyon sa social media ang video na ito ng netizen dahil tila tuwang tuwa din naman si Jericho sa ginagawang ito.

 

 

Nagbiro pa nga ang aktor dahil malakas raw umanong mag-inuman at magpulutan ang mga ito kaya naman lumobo ang mga kailangang hugasan ni Melissa.

“Masyado kayo malakas uminom. Kasalanan n’yo ‘yun e. Malakas kayong uminom, nag-iisa lang siya.”

 

 

Sa sumunod na video clip, ikinuwento ni Melissa na noong Nobyembre pa nangyari na tinulungan siya ni Echo sa paghuhugas. Noong  mga panahon na yun ay hindi pa daw siya nagti-TikTok.

 

 

Ayon sa bartender, mag-isa lang siya noong panahon na iyon kaya naman siya na ang bartender at cashier, siya pa ang dishwasher. Nagkataon pa nga raw na nandoon ang aktor dahil kaibigan nito ang katrabaho niya.

 

 

“Nu’ng medyo pa-closing na, lumapit na siya. Dapat huhugasan niya lang ‘yung kanya pero nakita niya na marami nang baso. Sabi niya, ‘hugasan ko na ‘to ha”

 

 

Walang duda naman na makikita mo talaga ang tunay na ugali ng isang Jericho Rosales sa mga sinabi nito habang naghuhugas.

 

“‘Okay lang talaga. Naiintindihan kita. Waiter din ako dati, kaya okay lang sakin. At saka medyo lasing na ko, iniiwasan ko na mag-shot,’ sabi niya sa akin.”

 

 

Narito ang viral video ni Echo na siya namang sobrang gwapo parin habang naghuhugas.

@melissayozel Reply to @liaeiou . ayaw niyo ba talaga ng story time? hahahah sinong artista pupunta sa likod ng bar para mag hugas?! #jerichorosales lang sakalam! #jericho ♬ original sound – melissayozel – Yo

.

@melissayozel Reply to @mamilave . btw, nov last year pa to, di pa ko nag ttiktok nung nangyare to haha #jerichorosales #barback #jericho #theshrineofsatisfaction ♬ FEEL THE GROOVE – Queens Road, Fabian Graetz

Kahit na noong isang taon pa nangyari ang videong ito, umani namang muli ng papuri mula sa mga netizens si Jericho.

 

 

May mga nagsabi pa nga na kahit pa sikat na ang aktor ay hindi nito nakakalimutan ang kanyang pinanggalingan.

 

 

Willie Revillame binisita ni John Estrada upang pautangin diumano ng malaking halaga

Angelica Panganiban masayang ibinahagi sa publiko na siya nga ay nagdadalangtao na!