in

Angelica Panganiban masayang ibinahagi sa publiko na siya nga ay nagdadalangtao na!

Kinumpirma na ni Angelica Panganiban na siya ay buntis na sa panganay nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Sa kanyang latest Instagram post ngayong araw March, 20, 2022. Masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na magagampanan na niya ang pinakaimportanteng papel sa kanyang buhay.

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging laman ng balita na buntis na nga umano si Angge. Ito daw kasi ang dahilan kaya tumanggi muna itong gumawa ng bagong project sa ABS-CBN.

Nais muna daw ng aktres na magpahinga at doon na nga lumabas ang ulat na nagdadalang tao na siya. Noong una ay tahimik lang si Angelica ukol dito.

Pero ngayong araw ay proud na ipinangalandakan na niya sa publiko na siya ng ay magiging soon to be mom na.

Sa kanyang IG post ay nagbahagi si Angelica ng ilang larawan at video kasama ang nobyo. Kalakip din ang sonogram photos ng kanyang ultrasound.

Aniya sa Caption,  “Ay! Na post!! Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

Opo, may matres ako mga baklaaah!  ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu  may pamilya na ko kaiyaq pramis”

Marami naman sa kanyang mga taga-hanga at kaibiga sa industriya ang masaya para sa panibagong yugto na ito ng buhay ng aktres.

Congratulations!

VIRAL! Ang gwapong award-winning actor turned dishwasher? Sobrang kinakiligan ng mga netizens

Totoong dahilan sa likod ng viral na larawan ni Andrea Brillantes kasama sina Kyle at Darren inilabas na!