in ,

Willie Revillame binisita ni John Estrada upang pautangin diumano ng malaking halaga

 

Viral ngayon sa social media ang video na ibinahagi ni John Estrada kasama si Willie Revillame.

 

 

Kilalang malapit na magkaibigan sin John at Willie na lagi din magkasama sa mga proyekto noon.

 

 

Dahil nga matalik na magkaibigan mula pa noon binisita kamakailan lang ni Estrada ang wowowin host.

 

 

Sa napakaganda nitong resort sa Tagaytay kasama ang kanyang pamilya.

Sa mga ibinahagi nitong Instagram stories ipinakita ni Estrada ang malawak na resort ni Revillame.

 

 

Pati na rin ang nakaparada nitong mamahaling mga sasakyan kaya naman hindi nito maitago ang pagkamangha sa lugar.

Nagawa naman nitong biruin ang kaibigan na sinakyan din naman ni Kuya Wil.

 

 

Aniya binisita niya daw si Willie dahil naaawa daw siya dito.

Kaya naman pinuntahan niya daw ito para pautangin ng malaking halaga ng pera.

 

 

“Hello mga kaibigan andito ako ngayon sa resort ng aking matalik na kaibigan na walang walang pera,” saad ni John.

Pagpapatuloy pa niya, “Kita niyo naman iyan oh so siguro naman alam niyo na kung kanino ito diba.”

 

 

“Mukhang walang pera, pauutangin ko ‘to. Kaya ako pumunta dito dahil pauutangin ko siya,” saad ni John. Agad namang nakisali si Willie sa birong ito ng kaibigan.

 

 

Kaya naman ng itutok sa kanya ang camera ay nagkunwaring nalulungkot at naiiyak si Kuya Wil.

 

 

Bagamat biro lamang ito ni John sa kaibigan alam naman ng lahat na malayo sa sinasabi nito ang totoong estado ni Kuya Wil.

 

 

Matapos ang biruan ng magkaibigan, sumunod namang ipinakita ni John ang napakagandang tanawin.

 

 

Sumakay din si John kasama ang kanyang pamilya sa helicopter na pagmamay-ari din ni Kuya Wil.

 

 

At inilibot ito sa kabuuan ng resort.

 

7 years bago nasundan! Sikat at magaling na aktres, masayang inanunsyo ang pagbubuntis sa edad na 37!

VIRAL! Ang gwapong award-winning actor turned dishwasher? Sobrang kinakiligan ng mga netizens