in

Mga lumang larawan ni Ronaldo Valdez nagpatunay kung gaano siya kagwapo noong kabataan niya

Kinagigiliwan ngayon sa social media ang matinee idol looks ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Kung ang pag-uusapan ay husay sa pagiging isang aktor, isa sa mga nangunguna riyan ay si Roland James Gibbs. O mas nakilala ng publiko sa kanyang screen name na Rolando Valdez.

Kamakailan nga ay may video na ginawa ang isang netizens, kung saan ay pinagsama-sama nito ang mga larawan ni Ronaldo. Magmula ng kabataan nito hanggang sa kasalukuyan na ito ay may edad na.

Agad namang napansin ng maraming netizens ang angking kagwapuhan ni Ronaldo, lalo na noong kanyang kabataan. Ang iba pa nga ay nagsabing kamukha ng beteranong aktor sina Ian Veneracion, Jestoni Alarcona at EJ Falcon.

Ang iba rin ay nagbigay komento na tila nga hindi kamukha ni Rolando ang kanyang anak na si Janno Gibbs.

Pinasok ni Ronaldo ang industriya ng showbiz noong 1966 at mahigit limang dekada na siyang aktor.

At ang pagiging isang mahusay na aktor ni Ronaldo ay namana rin ng kanyang mga anak, sapagkat maging ang mga ito ay pinasok rin ang mundo ng showbiz, at nakamit rin ang kasikatan kagaya niya.

Sa kasalukuyan ay aktibo pa rin si Rolando Valdez sa kanyang acting career at hinahangaan pa din ang galing niya sa pag-arte. At syempre litaw pa din ang kanyang kagwapuhan.

Actress Ana Jalandoni, nirescue, actor Kit Thompson, inaresto matapos makatanggap ng tawag mula sa hotel sa Tagaytay

Actual photos ng pagdakip kay Kit Thompson at habang nasa ospital si Ana Jalandoni viral na