in ,

Kaanak ni Ana Jalandoni, isinalaysay ang mapait na sinapit ng kapatid sa mga kamay ni Kit Thompson

Puno ng pasa at galos ang mukha ng babae nang dalhin sa Tagaytay City Medical Center dahil sa umano’y pambubugb0g sa kaniya sa loob ng hotel sa Barangay Silang Crossing East sa Tagaytay.

Naunang humingi ng tulong ang babae sa kaniyang kaibigan para magpatawag ng pulisya sa room 19 ng hotel, habang natutulog umano ang aktor.

READ ALSO:

 

Actress Ana Jalandoni, nirescue, actor Kit Thompson, inaresto matapos makatanggap ng tawag mula sa hotel sa Tagaytay

 

Ayon sa kaanak, kalunos-lunos ang sinapit ng biktima sa kamay ni Thompson.

Kwento ng kapatid ni Ana,

“Grabe, as in grabe talaga. Iba ‘yung mukha niya talaga. Wala siyang mata, dalawa, kulay green, kulay black. Basag talaga ‘yung mukha niya, as in buong katawan. Sabi niya sinampal muna daw siya, then sampal, suntok, suntok, sampal, sampal sa ulo kaya ‘yung mukha niya ngayon sobrang namamaga. As in sobra talaga,”

 

 

Batay sa impormasyon mula sa pulisya, bandang alas-2 ng madaling araw nangyari ang pambubugbog nang magkaroon nang hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa selos.

 

Alas-6 ng umaga naitawag ang insidente sa 911 at agad rumesponde ang pulisya para masagip ang biktima at dalhin sa pagamutan.

 

“It turns out na talagang merong… valid ‘yung information na meron talagang binugbog o sinaktan na babae doon sa loob ng hotel,” ani Tagaytay City Police chief Rolando Baula.

 

READ ALSO:

Actual photos ng pagdakip kay Kit Thompson at habang nasa ospital si Ana Jalandoni viral na

 

Nasa kustodiya na ng pulisya ang aktor para sa imbestigasyon.

Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa hotel kung saan nangyari ang insidente, at nalamang alas-6 ng gabi ng Huwebes nag-check in ang mga ito para sa overnight stay.

 

“Pareho silang nakainom so para bang nakakaramdam na ‘yung babae nang hindi maayos kaya tinawagan niya ‘yung friend niya. Kaso nga lang ‘yung pagtawag niya sa friend niya, poor signal. Kaya umakyat siya doon sa 3rd level hallway. It so happened siguro nakatulog siya. Noong makita siya ng lalaki, binuhat siya at binalik siya sa room nila. Doon na nag-start,” ani Baula.

 

Samantala, sa isang instagram post ngayon araw, sinabi ni Ana na maglalabas siya ng statement soon.

 

 

Nanay ni Carla Abellana nanggigil, may cryptic post na tila patama kay Rey PJ Abellana

Kit Thompson, nagawa pang magplug ng bagong proyekto sa IG, sa gitna ng malaking kasong kinakaharap?