in

Ellen Adarna nagpakabit ng IUD kaya hindi pa agad nabubuntis ng mister na si Derek Ramsay

Nang dahil pala sa IUD kaya hindi pa nabubuntis ni Derek Ramsay ang misis na si Ellen Adarna.

Ayon sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa bago nitong show na  ‘Showbiz Now Na!’ mismong si Derek umano ang nagsabi na may IUD (Intra Uterine Device) ang kanyang misis.

Kaya ito ang dahilan kaya hindi pa niya nabubuntis ang asawa. Pero pagbabahagi din ng aktor na plano na nila ito patanggal. Dahil sa susunod na taon umano ay gusto na nilang magkaroon ng baby.

At dahil na din dito ay biglang napatanong si Cristy kung ang IUD kaya ay pinalagay ni Ellen noong sila pa ni John Lloyd. O nito lamang niya naisipan nang magsimula na ang relasyon nila ni Derek.

Matapos naman ng pang-iintrigang ito ni Cristy ay pinapurihan niya naman sina Derek at Ellen. Dahil sa pagiging responsableng magulang ng mga ito.

Kahit pa nga sa estado ng buhay nila pareho ay kayang-kaya daw mag-anak ng mag-asawa kahit ilan pa ang kanilang gusto.

Hini naman maikakaila na parehas sila Derek at Ellen na kilalang nagmula sa pamilyang may kaya sa buhay.

“Pero bilib ako ha, napakaresponsable nilang magulang kasi bata pa si Elias ayaw pa nilang masundan. Kahit nga tatlong dosena kaya nilang mag-anak, eh,” ani Cristy

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:

Actual photos ng pagdakip kay Kit Thompson at habang nasa ospital si Ana Jalandoni viral na

Nanay ni Carla Abellana nanggigil, may cryptic post na tila patama kay Rey PJ Abellana