in , ,

Antonette, kilig na kilig na inamin ang pinaka gwapong parte ng katawan ni Whamos na kinahuhumalingan niya

Isa sa maituturing ngayon na power couple sa social media ang tinaguriang “Whamonette”.

 

 

Sila ang real life couple na sila Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario.

 

 

Nagsimulang umugong ang kanilang pangalan sa social media mula noong ipinakilala ng komedyanteng vlogger na si Whamos Cruz si Antonette Gail sa kanyang mga followers bilang girlfriend nya.

 

 

Bagamat madami ang natutuwa at naaaliw sa kanila, madami rin ang bumatikos sa kanilang relasyon lalo na kay Whamos Cruz.

 

 

Menor de edad kasi kung maituturing noon si Antonette nung sumama siya kay Whamos.

 

 

Lalong naging kontrobersyal ang couple nang lumapit kay Idol Raffy ang ina ni Antonette upang humingi ng tulong para mabawi umano ang anak kay Whamos.

READ ALSO:

Ina ng menor de edad na girlfriend ni Whamos Cruz naghayag ng saloobin laban sa vlogger

 

Bago pa man ito, una nang nareklamo si Whamos kay sir Raffy dahil umano sa pamilyang tinalikuran niya para sa career.

 

 

Hindi rin daw umano nagbibigay ng sustento ang vlogger sa anak kanilang anak ayon sa dati niyang kinakasama.

 

READ ALSO:

Vlogger na si Whamos Cruz iniwan diumano ang kanyang mag-ina noong sumikat na siya

Mariin namang pinabulaanan ito ni Whamos.

 

 

At dahil sa tinatamong kasikatan ngayon, naitampok ang love story ni Whamos at Antonette sa KMJS. Kung saan ibinahagi ni Antonette kung paano nagsimulang mahulog ang kanyang loob sa vlogger.

 

 

Nagsimula daw ang kanilang love story noong minsang ginaya ni Antonette Gail ang isa sa mga sayaw ni Whamos sa kanyang tiktok account.

 

 

Napansin ito ni Whamos at mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanilang dance collaboration,  hanggang sa tuluyan na itong na inlove sa dalaga.

 

 

Niligawan ni Whamos Cruz si Antonette Gail at sa pangatlong buwan ng kanyang panliligaw, nagpa-swab test pa ang vlogger bago ito personal na dumalaw sa bahay ng dalaga.

 

 

Dito ay tinanong na ni Whamos kung maaari na ba maging sila at pumayag naman si Antonette Gail.

 

 

Sa nasabing interview, inamin ni Antonette Gail na hindi naman daw sya tumitingin sa panlabas na kaanyuan.

 

Tanging ang mga ngiti daw ni Whamos Cruz ang nagpalambot ng kanyang puso kaya mabilis na nahulog ang loob nito sa vlogger.

 

 

Dagdag pa ni Antonette Gail, kung ano daw ang nakikita natin sa social media ay ganoon din daw si Whamos Cruz sa totoong buhay.

 

Kauna-unahang live selling ni Mariel Rodriguez-Padilla kinatuwaan ng netizens umabot sa 7.4Million views

Actress Ana Jalandoni, nirescue, actor Kit Thompson, inaresto matapos makatanggap ng tawag mula sa hotel sa Tagaytay