in

Alex Gonzaga may bagong pagsubok na pinagdadaanan na naman ngayon tungkol sa kanyang kalusugan

Isang pagsubok na nanaman tungkol sa kanyang kalusugan ang kinakaharapa ngayon ng vlogger, tv host actress na si Alex Gonzaga.

Ito ang ibinahagi ni Toni Gonzaga sa kanyang Instagram Stories kamakailan. Ayon sa kanyang post na-diagnose si Alex na may vocal cord nodules.

Nadiskubre umano ito bago sila pumuntang Dubai para sa isang event.

Sa kabila nito, proud naman si Toni dahil hindi naging sagabal sa performance ni Alex ang iniinda sa lalamunan. Todo pa rin daw ang performance level nito sa kabila ng kanyang kundisyon.

“Proud of you sissily @cathygonzaga. She was diagnosed with vocal cord nodules before flying to Dubai but she still pulled it off for the show,” pahayag ni Toni. Kalakip nito ang video ni Alex na hataw na hataw sa kanyang sing and dance performance.

Ayon sa clevelandclinic.org, ang vocal cord nodules ay tinatawag ding singer’s nodules, at nabubuo mula sa paulit-ulit na sobrang paggamit ng boses.

Ang mga bumps o buk0l na ito ay beni6n o nonc4nc3r0us, at katulad ng mga kalyo sa kamay. Kadalasang sanhi din nito ay ang labis na stress na dala ng pagsigaw o pagbirit.

Maaari din itong magdulot ng hindi maayos na tunog o pagkawala ng boses kapag nagsasalita o kumakanta dahil pinipigilan ng mga buk0l ang tamang pag-function o maayos na pag-vibrate ng vocal cords.

Dahil dito, inaasahang pepreno muna sa pagtili si Alex. Panalangin naman sa agaran niyang pag-galing ang alay ng kanyang mga fans and supporters.

Babaeng maganda at s3xy, macho at guwapo na ngayon

Toni Fowler umalma na , itinanggi na may bayad diumano ang natanggap na awards kamakailan