in

Ama ni Carla Abellana na si Rey PJ Abellana may isiniwalat tungkol sa hiwalayan ng anak kay Tom Rodriguez

Ibinunyag ni Rey PJ Abellana ang naging dahilan ng pagksira ng relasyon ng anak na si Carla kay Tom Rodriguez.

Sa programang ‘Cristy Ferminute’ ni Cristy Fermin, naitanong kay PJ kung anong naramdaman nito matapos malamang hiwalay na umano sina Carla at Tom ilang buwan lang matapos magpakasal.

Dito dinetalye ni PJ kung anong ginawa niya matapos pumutok ang isyu. Aniya, agad niyang minessage si Carla para kumpirmahin ang tsismis, ngunit hindi raw agad ito naka-reply sa kanya.

“Nay, hindi agad nakapag-reply yung anak ko sa akin, si Carla,” sambit ni PJ. “Pumasok na agad sa isipan ko na, ‘Oy, may laman na itong issue tungkol sa kanila.”

Ayon kay Rey, wala talaga siyang alam sa sitwasyon ng mag-asawa. Pero ilang araw raw ang nakalipas, sumagot din si Carla sa kanya.

Ayon sa message na pinadala ni Carla kay PJ, “Tom and I now are not okay. Anyway, Papa, we would like people to respect. Give us the respect na i-settle muna namin itong personal na bagay by ourselves. Pakiusap, Papa, na as much as possible, ‘wag na lang muna tayo magsalita sa press dahil baka mag-iba-iba pa ang issue.”

Naitanong din ni Cristy kay Rey ang mga umiikot na usap-usapan tungkol sa diumano’y infidelity sa side ni Tom. Dito na isiniwalat ni Rey na nagkaroon umano ng “one-night stand” si Tom.

Samantala, sa comment section ng video ni Cristy, may netizen naman na nagsambit at tinukoy ang babaeng nakaugnayan ni Tom.

Miyembro daw ito ng dating sikat na dance group at killang kilala hanggang ngayon sa larangan ng sayawan.

Sa ngayon tikom pa din ang bibig nina Tom at Carla sa issue ng kanilang hiwalayan.

Dating BF ni Mahal na si Mygs Molino, inaming sobra paring ang pagdadalamhati sa pagkawala ng beteranang komedyante

Mga bilyonaryong businessman nag-get together mga netizens may nakakatuwang reaksyon!