in

Who did it better? Car wash vlog nina Ivana Alawi at AJ Raval pinagkukumpara ngayon ng netizens

Sino nga ba ang mas magaling o mas kaaya-ayang tignan habang naglilinis ng kotse?

Pinagtatalunan ngayon ng mga netizens ang car wash vlog na ginawa nina Ivana Alawi at AJ Raval. Ang dalawa ay tinagurian ngayon na mga pantasya ng bayan.

Kamakailan nga lang ay nag-viral ang paglilinis ng kotse ni AJ Raval. Na umabot ng milyon-milyong views at patuloy parin sa pagdami hanggang ngayon.

Ngunit bago maging usap-usapan ang video na iyon ni AJ ay mas nauna ng gawin ito ni Ivana Alawi. Na tumabo din ng million views at isa sa pinaka hindi malilimutang video na nagawa niya sa kanyang mga vlogs.

At dahil nga dito, pinagkukumpara ngayon ng mga netizens kung sino nga ba kina AJ at Ivana ang mas patok na car wash video.

Kung sa views ang pagbabasehan ay lamang na lamang si Ivana na mayroon ng halos 12 million views. Samantalang kay AJ ay nasa 6 million views naman.

Sa kasuotan naman habang naglilinis ng kotse, nakasuot si Ivana ng itim na sando at maong shorts.

Habang si AJ naman ay nakaputing dress lang at bakat ang kaloob-looban. Na naging dahilan kaya napagalitan din siya ng kanyang amang si Jeric Raval.

Samantala, hindi lang ang mga videos na ito ng dalawa ang pinagtatalunan ng kani-kanilang fans. Dahil pati ang titulong ‘Bagong Pantasya ng Bayan’ ay hindi nila alam kung kanino nga ba dapat ibigay.

Ikaw team Ivana o Team AJ?

Binata na! Bimby nagpadala ng bulaklak at love letter sa isang sikat na teen star

Mariel Padila isinugod sa ospital, Mga lakad ni Robin Padilla agad na kinansela