in ,

Albert Martinez aminadong mahirap palitan ang namayapang misis na si Liezl, hindi pa handang ma-inlove sa iba

Kahit pitong taon nang biyudo, wala pa rin sa isipan ni Albert Martinez na maghanap ng bagong mamahalin.

Kamakailan ay nakapanayam ni Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog ang beteranong aktor. Kung saan naitanong niya ang tungkol sa estado ng love life nito.

Sagot ni Albert, inilalaan na lang daw niya ang free time niya sa mga anak at mga apo niya para daw makabawi siya sa mga panahon na wala siya sa piling ng mga ito dahil sa trabaho.

“I’m still enjoying my time with my kids and my apos ’cause all these years I’ve been working hard. I missed special moments with my kids,” aniya.

“So now, parang bumabawi ako sa kanila by spending time with them. I cook for them every weekend. That’s my favorite thing.”

Kuwento ni Albert, si Liezl ang nag-aasikaso lahat sa bahay at siya ang provider ng kanilang pamilya. “Kasi, I’m the working side. Liezl is the one who takes care of everything… the house, the kids, everything. So, I don’t do anything at home. She just fixed everything for me,” sabi pa ni Albert.

Natanong din ni Dra.Belo si Albert kung naa-attract na ito sa ibang babae, o kung may mga babaeng nagpi-flirt sa kanya.

Sagot ni Albert, “That’s normal siguro. That’s a normal process. But I don’t go through with it because parang I’m not ready yet.”

Dagdag niya, “Liezl’s shoes are very hard to fill.” Naniniwala si Albert na si Liezl ang kanyang soulmate.

“She’s the kindest, smartest person I’ve met. And we’re very good friends and she really took good care of me. I believe it’s the deep love that’s involved.”

Toni Fowler isinugod ni Tito Vince sa ospital dahil sa biglaang pagkahilo at pagsusuka

Binata na! Bimby nagpadala ng bulaklak at love letter sa isang sikat na teen star