in ,

Vlogger na si Toni Fowler, may matapang na sagot sa mga taong nagsasabing ang chaka niya ngayon kumpara noon

Sa walang tigil na kontrobersya at kung ano anong kritisismo, nananatiling matayog ang sikat na Mommy vlogger na si Toni Fowler.

 

 

Sa tagal na niyang bilang social media star, hindi maikakaila na malayo na nga at malaki na ang narating nito.

 

 

Malaki na rin ang pinagbago nito mula ulo hanggang paa dahilan kung bakit madalas tampulan ito ng mga pangutngutya sa social media.

 

READ ALSO:

Itsura noon at ngayon ng sikat na vlogger na si Toni Fowler pinagkukumpara ng mga netizens

 

 

Kamakailan lamang ay naging usap usapan na naman ito dahil sa panibagong retokeng ginawa ni Toni sa kanyang katawan.

 

 

Sumailalim siya sa isa pang non-surg1c4l procedure para daw ma-enhance ang kanyang hugis ng kanyang mga mata.

 

 

Bago pa man nito, ang pagpapalagay ng lip fillers para ma-achieve ang bratz look.

 

 

Ngunit gaano man ka satisfied si Toni sa new look niyang ito, ay siya namang pagkadismaya ng maraming netizens sa bagong looks nito.

 

READ ALSO:

Toni Fowler masayang ibinahagi ang naging resulta ng muli niyang pagpaparetoke

 

Anila mas maganda daw ang kontrobersyal na vlogger noon sa kanyang natural look. Kumpara sa ngayon na marami na siyang pinabago sa kanyang itsura.

 

 

Nanghihinayang umano sila sa kagandahan ni Toni noon na mala-anghel pa daw ang datingan.

 

 

Kasunod nito ay ang paglalabasan ng mga lumang larawan ni Toni Fowler  bago ito mag change ng looks. Hanggang sa hindi na mapigilan ng vlogger na umalma siya sa mga natatanggap na batikos.

 

 

Sa kanyang Tweet, proud niyang ibinahagi ang kasalukuyan niyang itsura. Aniya sa caption,

“Mas maganda daw ako dati kesa ngayon, Me ngayon:”

 

 

Solid din ang kanyang mag supporters na talaga namang todo suporta sa kanilang idolo at para sinasabing para sa paningin nila ay mas maganda ngayon si Mommy Oni nila.

 

.

 

 

 

Lolit Solis ibinunyag na maghihiwalay na sila ng landas ng ka-tandem niya na si Cristy Fermin

Tom Rodriguez nalimas diumano ang naipong pera, na isa sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carla