in ,

Lolit Solis ibinunyag na maghihiwalay na sila ng landas ng ka-tandem niya na si Cristy Fermin

Matapos ang halos tatlong taong tandem sa chikahan, sa online live show na “Take It Per Minute…Me Ganun.” Buwag na daw ang samahan nina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Ito ang ibinahagi ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post kamakailan. Sinabi niyang maghihiwalay na sila ni Cristy at hindi na magsasama sa isang show.

“Parting is such a sweet sorrow talaga. Hindi ko maisip na after 3 years na parang bahay ko na ang Obra ni Nanay Gallery every Tuesday ng 12/1 ng hapon bigla ay mahihinto iyon,” saad ni Lolit.

“Pero it was a very beautiful 3 years na nakatanim na sa memory file ng utak at puso mo. At mas maganda nga na iyon masasayang alaala ng 3 taon ang lagi sa puso mo, at naghiwalay kayong lahat ng best of friends”

Pero nilinaw ni Manay Lolit na nananatili silang magkakaibigan nina Cristy at Mr. Fu kahit pa may kanya-kanyang landas o journey na silang tatahakin.

“Siguro nga naging daan lang ang digital show namin na Take it… para mas tumibay friendship namin nila Cristy at Mr. Fu. After 3 years very close na kami, hah hah hah,” dagdag pa niya.

“Pupunta sa mas masayang lugar si Cristy, sasamahan ko si Mr. Fu makikita niyo pa rin kami ewan ko kay Salve, join si Gorgy kung saan, anong oras at araw, at kung paano, hah hah hah blind follower lang ako na isang kaladkarin kahit saan dalhin sumasama,” aniya.

“Basta lahat kami watch ninyo, kayo na bahala. Sana lahat tayo laging happy at safe, promise ninyo, follow nyo rin kami ha,” pagtatapos ni Lolit.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Angelica Panganiban buntis na daw diumano sa magiging panganay nila ng non-showbiz boyfriend

Vlogger na si Toni Fowler, may matapang na sagot sa mga taong nagsasabing ang chaka niya ngayon kumpara noon