in

Itsura noon at ngayon ng sikat na vlogger na si Toni Fowler pinagkukumpara ng mga netizens

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang before and after photos ng sikat at kontrobersyal na vlogger na si Toni Fowler.

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang muling pagpaparetoke ni Toni. Ipinabago niyang muli ang kanyang itsura.

Sumailalim siya sa isang procedure para makamit ang matagal niya nang inaasam na fox eye. Nagpalagay din siya ng lip fillers para ma-achieve ang bratz look.

Sa kanyang binahaging picture sa kanyang Facebook page. Isang netizen ang diretsahang nagkomento patungkol sa naging resulta ng pagpaparetoke ni Toni Fowler.

Sinabi nitong hindi maganda ang kinalabasan ng retoke sa kanya at mas maganda pa daw si Toni noong wala pa siyang pinapabago ang mukha.

Nilinaw niyang hindi siya basher at sa katunayan ay fan pa nga umano siya ng vlogger kaya nagsasabi lang daw siya ng katotohanan.

Kaagad naman itong sinagot ni Toni at sinabing kung talagang tunay itong fan ay dapat suportado at masaya ito para sa kanya.

Saad ni Toni, “Kung fan ka talaga, alam mong unang una palang hindi ko hinihingi opinyon mo. Pangalawa, suporta ang dapat na ginagawa mo hindi side comment.”

At dahil dito, naging agaw pansin ngayon ang di umano’y malayo na niyang itsura kumpara sa kanyang natural na mukha.

May isang netizen pa ang nagpost ng kanyang before and after photos. At sinabing sayang daw ang ganda noon ni Toni.

May mga sumang-ayon naman sa post na iyon pero may ilan ding dinepensahan si Toni. At sinabing suportahan na lang ito sa ikasasaya nito.

Madam Kilay isiniwalat na may bayad daw ang awards na natanggap ng mga sikat na influencers kamakailan

Napaka cute na video ni Elias na nahulog sa upuan habang naghihiwa ng cake, umani ng batikos mula sa mga netizens