in ,

Nahulog sa speedboat – Sikat na aktres sa edad na 37, ginulat ang lahat sa biglaang pamamaalam

Natagpuan ng mga rescuer ang katawan ng TV actress na si Nida “T4ngm0” Patcharaveerapong na lumulutang sa Chao Phraya River malapit sa Pibul Songkhram 1 pier sa Nonthaburi noong Sabado.

 

 

Ito ay dalawang araw matapos itong mahulog mula sa isang speedboat kung saan kasama niya ang anim na kaibigan.

 

 

Si Dayos Detjob, 44, kapatid ng aktres na sumama sa search operation, ay kinumpirma na ang katawang narecover ay ang kanyang nakababatang kapatid na babae.

 

 

Pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong sa paghahanap na inabot din ng 38 oras.

 

 

Ayon sa mga rescuers mula sa Ruamkatanyu Foundation, ang katawan ni T4ngm0 ay  natagpuang lumulutang sa ilog bandang 1:10 ng hapon noong Sabado.

 

 

Isang kilometro lamang ang layo mula sa kung saan siya nahulog mula sa speedboat noong Huwebes ng gabi.

 

 

Dinala ang katawan ng aktres sa pier kung saan naghihintay ang ina nito kasama ang nobyo at mga kaibigan ng aktres.

 

 

Ang 37-anyos na aktres ay kabilang sa anim na tao na lulan ng nasabing speedboat. Naglakbay sila  mula sa Krung Thon Bridge sa Bangkok patungo sa Rama VII Bridge sa Nonthaburi.

 

 

Sinasabing nahulog si T4ngm0 sa speedboat bandang 10pm malapit sa Pibul Songkhram 1 pier.

 

 

Ayon sa mga reports ng media,  ang aktres ay nakaupo sa likod ng speedboat bago siya nadulas sa ilog bandang 10:40 ng gabi. Wala siyang suot na life jacket.

 

 

Iniulat ng Thai media na ang CR sa speedboat ay hindi gumagana nang maayos kaya nagtungo ang aktres sa likod upang doon mag CR. Nasaksihan ng kanyang manager ang pagkahulog at agarang sumigaw ng tulong.

 

 

Base naman sa sinabi ng ina ng aktres, sinubukan niyang makipag-ugnayan sa personal manager ng kanyang anak noong Biyernes ngunit wal itong natanggap na sagot.

 

 

Sa ngayon ay tuloy tuloy lang ang imbestigasyon sa nangyari at inaalam pa kung mayroon ngang naganap na f0ul play. Inimbitahan narin ang mga sangk0t para kwestyunin ng awtoridad.

 

 

 

 

Matapos ang pag-uuling, Dabarkads Jimmy Santos sinubukan narin ang pagba-barker sa jeepney

Dapat sana’y 74 na ang magaling na aktor, Ina Feleo inalala ang yum40ng ama na si Johnny Delgado