in

Cristy Fermin napansin na iba daw ang itsura ngayon ni Super Tekla sa latest video nila ni Donita Nose

Hindi daw maganda ang itsura ngayon ni Super Tekla sa latest video nila ni Donita Nose ayon kay Cristy Fermin.

Sa “Cristy Ferminute,” may naging reaksyon si Cristy sa pinakahuling video nila Tekla at Donita Nose. Kung saan pinag-usapan nila ang totoong dahilan bakit sila maghihiwalay.

“Pero hindi maganda hitsura ni Tekla ngayon, sa totoo lang. Alam naman natin na meron siyang pinagdaanan, na ‘yung bisy0 na ‘yon ay dapat niyang bitiwan. Sana ay tuloy-tuloy na,” pahayag nito.

Paliwanag ni Cristy, kadalasan umano ang pagiging tamad, walang disiplina, at pagiging unprofessional ay dahil sa epekto ng pagbibisy0.

“Kasi, kadalasan, ‘yung pagiging tamad, walang disiplina at pagiging unprofessional, nanggagaling sa bisy0 ‘yan e,” saad pa ni Cristy.

“Sa bisy0 ‘yan, kahit ano pa ang gawin, tatatak at tatatak pa rin ‘yung katamaran. ‘Yung kawalan ng disiplina, sa bisy0 pa rin ‘yan e,” dagdag pa nito.

Lahad pa ni Cristy, malayong-malayo daw si Tekla kay Donita Nose, na alam na agad ang kanyang gagawin kapag nasa programa.

“Ikaw naman ‘pag ganyan naman, Romel, talaga namang hindi mo magugustuhan ang partner mo kapag tamad,” sambit pa ng kolumnista.

Ngunit tingin din ni Cristy, baka kaya naging tamad si Tekla ay dahil din kay Donita.

Samantala, pinayuhan ni Cristy ang dalawang komedyante, aniya kung gusto talaga nila magseryoso ay dapat magbigayan sila.

Dating child star at pamangkin ni Angel Locsin na si Alyanna Angeles isang ganap na dalaga na ngayon

Kaawa-awang estudyante nagulat lamang sa ginawa ng isang Sekyu matapos siyang mapagsarhan ng remittance center na pinuntahan