Isa na maituturing ang beteranong komedyante at host na si Jimmy Santos sa mga tinatawag na haligi ng showbiz industry.
Hindi matatawaran ang mga naiambag nito sa telebisyon at pelikula, ngunit dahil sa kanyang edad, matagal nang hindi nakakabalik sa longest running TV show na Eat Bulaga! si Jimmy simula nang magkap4nd3mya.
READ ALSO:
Jimmy Santos namahagi ng blessing para sa pagdiriwang ng kanyang 70th birthday
Ang senior citizen na actor, sa edad na 69 ay kabilang sa vulnerable sectors ngayong may p4nd3mya.
Kaya naman sa vlogging ibinubuhos ngayon ni Jimmy ang kanyang panahon. Tampok sa kanyang videos ang buhay probinsya at mga pasyalan sa Pampanga.
Puro good vibes ang kanyang mga content, good vibes na nagdadala rin ng inspirasyon para sa marami.
Libu-libo ang kanyang views at may isang video siyang pumalo ng higit 2.9 million, habang ang isa naman ay higit sa isang milyon ang views.
Una na niyang nasubukan ang pagtitinda ng karne sa palengke. Sumunod naman ang pag-uuling, nasa kabila nang kanyang edad ay mapapansin mo parin ang kanyang kalakasan.
READ ALSO:
Ngayon naman ay sinubukan ng beteranong aktor ang pagbabarker sa jeepney sa Angeles City, Pampanga.
Ang barker ay ang mga nagtatawag ng pasahero sa jeep. Sila ang nanghihikayat sa mga tao upang mabilis na mapuno ang jeepney at makalarga na agad.
Byaheng main gate sa Angeles Pampanga ang jeep na napili ni Jimmy na pagbarkeran habang ito ay nasa pilahan.
Paulit-ulit din niyang binabanggit ang social distancing habang kinakamusta ang mga pasahero. Na tuwang tuwa naman na makita ang komedyante sa personal.
Ininterview din ni Jimmy Santos sa mga jeepney drivers tungkol sa kanilang kinikita kada araw. Ipinakita niya din kung gaano kahirap ngunit kasaya ang trabaho ng isang barker.
Aniya nga, para sa pamilya ay kahit anong hirap pa ng trabaho ay papasukin, basta mayroong maihahain sa hapag kainan na mula sa malinis na paraan.
Narito ang kabuuan ng kanyang vlog: