in ,

Totoo nga! Chavit Singson may itinatagong sangkatutak na gold bars, at proud na ipinasilip ang mga ito sa kanyang mga bisita

Napaisip ka na ba kung gaano ba talaga kayaman si Chavit Singson?

 

 

Si Luis Crisologo Singson o mas kilala bilang si Chavit Singson ay ang 80-year old na Mayor ngayon ng  Narvacan, Ilocos Sur.

 

 

Masasabing isa si Mayor Chavit sa pinaka mayaman at generous na pulitiko. Nakaraan lamang ay nag viral ang Mayor dahil sa kakaibang estilo ng pagpapaagaw ng pera noong December.

 

Gayunpaman, hindi naman inilihim ng Mayor ang estado ng kanyang buhay sa publiko.

 

 

Nauna na niyang ipasilip ang kanyang magarang mansyon, kasama ang kanyang mga high maintenance na mga alaga.

 

 

Bukod sa isang pagiging may-ari ng isang kompanya, naging governador din ng Ilocos Sur itong si Mr. Chavit Singson.

 

 

Noong 2017, isa si Chavit Singson sa Major sponsor ng Miss Universe Pageant na ginanap dito sa Pinas. Nagdonate lamang ng 11 million dollars si Chavit upang matuloy ang nasabing beauty pageant dito sa Pinas.

 

 

Ngunit hindi dito natatapos ang lahat, alam niyo bang si Mayor Chavit ay mayroon ding itinatagong sangkatutak na gold bars sa mismong tahanan nila?

 

 

Isang vlogger ang napaunalakan ni Mayor Chavit Singson na bumisita sa kanyang mansyon. Ilang tao rin ang nabigyan ng pagkakataon upang maging guest sa tahanan ng mga Singson nung araw na iyon.

 

 

Sa nasabing video, makikita na kabilang din ang komedyanteng si Long Meija sa mga maswerteng naimbitahan.

 

 

Ipinasilip ng isang vlogger ang itsura ng mansyon ng Mayor. Ipinakilala din sa video ang napakaganda at talented niyang anak na si Chelsey.

 

 

Nandun din ang kanyang mga apo na nagmistulang mga Santa Claus na namamahagi ng salapi sa mga kasamahan nila sa bahay.

 

 

Samantala, ang pinaka high lights ng video ay ang mga Gold Bars ni Mayor Chavit Singson na tila mga tsokolate lang na nakasalansan sa ref.

 

 

Ang sandamakmak na gold bars na tumambad sa mga mata ng mga bisita at siguradong magpapalula sa mga makakanood ng video ay tinatayang aabot sa milyon milyong halaga.

 

 

Nagkaroon din ng pagkakataon ng kanyang mga bisita na mahawakan ang itinatagong gold bars.

 

 

Ayon sa Mayor, ang isang bar ay may bigat na isang kilo at nagkakalahaga ng 3 Milyong Piso ang bawat isa.

 

 

Panoorin ang nasabing video at siguradong mapapa WOW karin sa makikita mo.

 

Kris Aquino, inisa-isa ang mga posibleng kar4mdam4n na tumama sa kanya, pinipiling maging masaya sa kabila ng lahat

Gold Squad members na sina Kyle, Andrea at Seth, hindi nga ba imbitado sa debut party ni Francine Diaz?