in

Gold Squad members na sina Kyle, Andrea at Seth, hindi nga ba imbitado sa debut party ni Francine Diaz?

Kapansin-pansin na hindi buo ang Gold Squad members sa 18th birthday party ng young Kapamilya actress na si Francine Diaz.

Lubos ang naging pasasalamat ni Francine sa mga nakaalala at dumalo sa kanyang 18th birthday party last Feb. 26, 2022.

Isang buwan ang naging selebrasyon ng dalaga para sa kanyang 18th birthday (Jan. 27) na natapos nga sa pamamagitan ng isang grand debut party na dinaluhan ng pamilya ng young actress at malalapit na kaibigan.

Naging usap-usapan nga ang engrandeng selebrasyon pati na rin ang mga kasuotan ni Francine na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan.

Ngunit ang nakaagaw sa atensyon ng marami ay nang mapansin nila na wala sa pagdiriwang sina Seth Fedelin. Andrea Brillantes at Kyle Echarri.

Umugong tuloy ang haka-haka na baka hindi daw imbitado ang tatlo dahil sa naging alitan ng mga ito noong nakaraang buwan.

Samantala, sa latest episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz. Sinabi nito ang dahilan kung bakit hindi nakapunta ang tatlo.

Aniya, ayon umano sa kaniyang source, imbitado naman ang mga ito. Ngunit kaya hindi nakapunta ay dahil nasa shooting sila sa Baguio para sa proyektong ‘Lyric and Beat.’

“Ang sabi sa akin ha, invited daw. Ang siste, nagkataon na si Blythe o si Andrea si Seth at si Kyle ay nandoon sa Baguio nagsu-shoot ng ‘Lyric and Beat,’” paglilinaw ni Ogie.

Samantala, tinanong naman ni Mama Loi kung bakit hindi kasama si Francine sa nasabing proyekto gayung magkakasama ang tatlo.

“Nagkasabay din daw ang Lyric and Beat saka yung ‘Bola bola’ na isa ring series,” ani Ogie na ang tinutukoy ay ang palabas na pagbibidahan ni Francine.

Totoo nga! Chavit Singson may itinatagong sangkatutak na gold bars, at proud na ipinasilip ang mga ito sa kanyang mga bisita

Diego Loyzaga nakabalik na sa Pinas, nakipag-bonding agad sa tatlo niyang kapatid!