in

Diego Loyzaga nakabalik na sa Pinas, nakipag-bonding agad sa tatlo niyang kapatid!

Nakauwi na ng bansa ang aktor na si Diego Loyzaga matapos ang halos dalawang buwan na bakasyon sa America.

Matatandaan na sa kalagitnaan ng kotrobersiya tungkol sa hiwalayan nila ni Barbie Imperial, lumipad patungong US si Diego.

At habang nasa tate ay inulan ng katanungan ang aktor kung bakit hindi niya kasama si Barbie sa kanyang bakasyon. At doon na nga nabunyag na hiwalay na pala ang magkasintahan.

Ito ay matapos ang isang taon nilang relasyon, pero wala namang paglilinaw mula sa dalawa kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Samantala, after almost two months ay balik Pinas na nga si Diego. Agad namang namataan na nakipag-bonding siya sa kanyang mga half sisters.

Sa larawan na ibinahagi ni Diego sa kanyang Instagram ay makikita na masaya siya na muli niyang nakasama sina Sam, Angelina at Chesca.

All smiles nga ang magkakapatid sa ama sa nasabing larawan. At kapansin-pansin na namiss ng Tres Marias ni Sunshine Cruz ang kanilang kuya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Sa comment section, nagpasalamat naman si Sunshine kay Diego sa pag-aalaga sa kanyang mga kapatid.

“Thank you Diegs for taking care of the girls! They missed you so much! See you and @teresaloyzaga soon!!” ani Sunshine.

Nag-comment din sa IG post ni Diego ang kanyang inang si Teresa Loyzaga.

“Such good vibes Shine! What a beautiful photo! Love it!!! Get together kasama tayo soon! Miss u all!” saad nito.

Kakaiba talaga ang closeness ni Diego sa kanyang mga dalagang kapatid. Madalas nga siyang bumisita kina Sunshine at sa mga anak nito noong wala pang pand3mya.

Gold Squad members na sina Kyle, Andrea at Seth, hindi nga ba imbitado sa debut party ni Francine Diaz?

Labis na hinangaan! Valentine’s Day Celebration ng Pamilya ni Marjorie Baretto, Nag Viral sa Social Media!