in

Vice Ganda umani ng papuri ng ipag-shopping ang dalawang babaeng nakasalubong sa kalsada

Muli na namang nagbigay goodvibes sa madlang pipol ang Unkabogable Star na si Vice Ganda!

Sa kanyang latest vlog, pumili si Vice ng taong kanyang makakasalubong na nakangiti. Upang mapatunayan umano niya na nakakahatak ng grasya ang pagngiti.

“Pupunta tayo ng kalsada, tapos randomly pipili tayo ng isang madlang pipol tapos aayain nating mag-shopping. Kasi the last time nung nag vlog tayo nung shopping shopping, nababasa ko yung mga comments sinasabi na ‘Sana All’, ‘Sana makapag-shopping ulit’,’Sana ma-experience nating mag-shopping’… Kaya today iyon ang naisip naming i-content,” paliwanag ni Meme Vice.

Dalawang babaeng empleyado sa sikat na bangko naman ang napili ni Vice. Ito ay sina Jewel at Juvy, na ayon kay Vice ay nakitaan niya ng good vibes dahil nakangiti daw ang mga ito.

Matapos mapili ang dalawang babae ay dinala niya ito sa mall para makapili ng kanilang bibilhin. Namili sina Jewel at Juvy ng mga kagamitan tulad ng bags, damit, sapatos. At maging mga laruan para sa kanilang mga anak.

Umabot sa mahigit P65,000 ang na-shopping ng dalawang empleyadong napili ni Vice. Lubos naman ang pasasalamt nila sa kabutihang ito ng komedyante. Pero syempre, punumpuno pa rin sorpresa si Vice.

Sa bandang dulo ng vlog ay may pa-prank pa siya. Sinabi niya sa dalawa na may pupuntahan pa sila pero hindi nila puwedeng gamitin ang mga cellphone nila, hindi sila makakauwi sa araw na iyon dahil ilang araw silang mawawala.

Tila hindi pumayag si Jewel at ipinasyang uuwi na lang. Sa huli, nireveal ni Vice na prank lang iyon.

Panoorin dito ang kabuuan ng vlog:

Gerald Anderson tila may pahiwatig sa baby video post niya sa Instagram, may kaugnayan nga ba sa lagay nila ni Julia?

Jelai Andres, nahablutan ng mamahaling bag habang kumakain sa paresan kasama si Buboy Villar