in

RR Enriquez nagbigay paalala sa mga netizens matapos mawalan ng malaking halaga ng magdeposito sa banko

Nagbigay ng babala ang dating actress dancer na si RR Enriquez sa kanyang mga followers nang mawalan ng malaking halaga.

Sa kaniyang Instagram post kamakailan, ibinahagi ni RR ang naging karanasan. Ito ay ng inutusan niya ang kaniyang driver at staff na mag-deposit ng P2.3-M sa banko.

Ani ng dalaga, ilang beses daw nilang binilang ang pera bago pa man ito maideposit. Saktong  2,380,000 pesos ang halaga nito.

Ngunit nang makarating na daw sa banko ay laking gulat ni RR at ng kanyang driver at staff na kulang umano ng 64,000 pesos ang pera.

“I am still contemplating if I will post this or not! But again if you know me, I’m the type of person na mahilig mag vent out! Why? Because alam ko na may sense ang mga post ko and may lesson madalas.

“So today I asked my staff to deposit a 2,380,000 pesos. Sorry I’m not bragging!! Gusto ko lang talaga ikuwento in detail.

“My driver brought the money (sealed sa box) picked up my staff and bring her to the bank.

“Pag dating ng bank, when the teller count the money sa machine. It’s 2,316,000 na lang. Nawawala ang 64thousand,” pagbabahagi ni RR.

Ayon pa kay RR, hindi niya ugali na magbintang sa ibang tao ngunit sinabi niya na hindi siya puwedeng magkamali sa halaga ng pera dahil ilang ulit pa niya itong binilang bago iabot sa kaniyang staff.

Dagdag pa nga niya, madali lang ang byahe mula sa condo niya papuntang banko kaya kung tutuusin ay sobrang bilis ng pangyayari.

Ipinagpasalamat naman niya na nakatanggap siya ng bagong cellphone. Aniya, ituturing na lamang niyang binili niya ng bagong cellphone ang kanyang nawalang pera. Nais niya na lang umanong kalimutan ang masalimuot na pangyayaring iyon.

Carla Abellana nagpahiwatig nga ba sa totoong atraso ng asawang si Tom Rodriguez sa kanya?

Kahit labag sa kalooban, 13-years old na babae napilitang magpakasal sa 48-years old na lalaki sa kanilang bayan