in , ,

Pangalan ng labing anim na anak ni Tsong Joey Marquez kabisado niya lahat!

 

Kabisado ni Joey Marquez ang pangalan ng  kanyang 16 na anak mula sa iba’t ibang babaeng nakarelasyon niya.

 

 

Marami ang bumilib kay Joey ‘Tsong’ Marquez dahil nabigkas niya ang ang pangalan ng kanyang 16 na anak.

 

 

Sa nakaraang episode ng “Tunay na Buhay” ay hinamon si Joey na bigkasin ang mga pangalan ng kanyang mga anak.

 

 

Buong pagmamalaki na sinabi ni Joey na kabisado niya ang mga pangalan ng lahat ng kanyang mga anak – mula kay JJ, Jeremy, Jesm, Kristine, Jerica, Jerico, Paolo, Jowee Ann, Yeoj, Winwyn, Zia, Vitto, MM, Jazalla, Jacob at kay Joeygy.

 

 

Ang hindi binanggit ni Tsong Joey ay kung ilan lahat ang ina ng mga bata. Unang naging tatay si Tsong Joey noong 15 years old pa lamang siya

 

 

Sa kabila ng murang edad at hirap ng buhay, hindi niya tinalikuran ang kanyang responsibilidad

At obligasyon bilang ama sa kanyang mga anak.

 

 

Sinabi ni Joey na kagaya sa kanyang kinagisnang prinsipyo, malapit ang kanyang mga anak sa isa’t-isa.

 

 

“Alam mo kasi ang principle in life ko, lahat ng half-sister, brother ko, kilala ko lahat ‘yan. I don’t call them my ‘half-sister’ o ‘half-brother.’ Sabi ko, ‘Wala naman silang kasalanan, kapatid ko pa rin ‘yan kahit ano’ng mangyari. Very close ako sa lahat ng kapatid ko,” saad nito.

 

 

Ang isa pang ipinagmamalaki ni Tsong ay ang educational attainment ng mga anak. Aniya, ito ang itinuturing niyang “greatest gift” na maibibigay at maipapamana niya sa mga ito.

 

May lawyer sa kanila, may politicians at kung anu-ano pang kurso.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey Marquez (@tsong_marquez)

Ayon naman kay Winwyn Marquez, walang itinago si Joey sa kanilang magkakapatid at alam nila ang buong katotohanan noong sila ay bata pa.

 

Former PBB Housemate na si André Brouillette proud bartender na ngayon sa Hawaii

Toni Fowler masayang ibinahagi ang naging resulta ng muli niyang pagpaparetoke