in , ,

Ina ni Robin Padilla Padilla napaiyak na lang sa itrinato ng manugang na si Mariel sa kanya

 

Ibinahagi ni Robin Padilla na pinaiyak ng asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla ang kanyang ina.

 

 

Sa kanyang Instagram post ibinahagi ni Robin ang isang nakakataba sa pusong kuwento. Kung saan tumawag sa kanya ang kanyang ina na si Eva Cariño

 

 

Upang sabihin sa kanya kung gaano niya kamahal ang asawa niyang si Mariel Rodriguez.

 

 

“Tinawagan ako ng ermats ko kahapon ng tanghali at siya’y umiiyak. Nabigla ako at ni-nerbyos pero wala naman pala emergency kung ‘di gusto daw niya malaman ko na love na love daw niya ang asawa ko,” panimula ni Binoe.

 

 

“Kasi noong pumunta sila sa birthday party ng aking auntie Letty inabutan daw si ermats ng pag-ihi pero naurungan daw siya kahit sasabog na ang kanyang pantog dahil parang marumi na ang toilet sa dami ng bisita na gumamit nito pero kagyat daw siyang sinamahan ni Mariel sa CR at nilinis ang CR pati ang toilet bowl na nilagyan ng tissue ang bawat inches ng uupuan niya,” saad pa nito.

 

 

Sa huli ay pinuri at pinasalamatan ni Robin ang kanyang misis.

 

 

“Maraming salamat sa iyo, @marieltpadilla, Ang iyong kagandahan ay nagmumula sa iyong puso bago sa iyong panlabas na anyo.”

 

Agad namang umani din ng papuri si Mariel mula sa mga netizens.

 

 

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Mabait at maasikaso si Mariel swerte mo Robin”

 

 

“@marieltpadilla you are such a beauty inside out. I admire you and I wish you stay blessed and happy with your little princess and @robinhoodpadilla as family”

“I love mariel.i met her once and she was very friendly and bubbly”

 

AJ Raval nag-react sa larawan ni Kylie Padilla na kinomento ng isang netizen sa kanyang post

Tim Sawyer, nakatikim ng ‘PAGMAMALDITA’ ni Aj Raval, nilait ang mga content