in ,

Kumain at nagbihis lang daw nung Valentines! Aljur Abrenica idinitalye mismo ang lihim sa likod ng Hotel Spotted photo nila ni AJ Raval

Ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica ang kuwento sa likod ng hotel spotted photo sa Leyte kasama ang rumored girlfriend, ang showbiz newbie na si AJ Raval.

 

 

Ilang buwan na ang nakalipas mula nang lumabas ang issue na nagli-link kina Aljur at AJ. Matapos ang breakup ng aktor sa estranged wife na Kapuso actress na si Kylie Padilla, nadawit ang pangalan ni AJ.

 

 

Dahil narin ito sa ilang resibong lumabas sa social media habang magkasama silang dalawa sa ilang pagkakataon.

 

 

.

 

 

Kamakailan lang ay muling namataan ang dalawa na magkasama sa isang hotel sa Leyte noong Valentine’s Day. Dahil dito, hinuha ng mga netizens na may romantic trip ang dalawa.

 

 

READ ALSO:

Aljur Abrenica at AJ Raval magkasamang ipinagdiwang ang araw ng mga puso sa isang hotel sa Leyte

 

 

Gayunpaman, base sa artikulo sa PEP, nilinaw ni Aljur ang tunay na dahilan kung bakit sila magkasama sa nasabing probinsiya.

 

 

“We were invited sa mga kooperatiba, sa mga cooperatives sa mga power plants dun, sa DORELCO sa may Leyte, oo. Kasi meron silang ipinaglalaban, lahat naman sila may ipinaglalaban.”

 

 

Dagdag pa niya, naimbintahan psila sa nasabing inagurasyon ng isang bagong istasyon ng radyo doon.

 

 

Nilinaw din ng aktor na nagdulot ng maling ideya ang post ng Haiyan Hotel and Resort dahil nagmungkahi ito na ilang araw silang nagtagal sa hotel.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Aljur na hindi sila nag stay sa nasabing hotel.

“Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun ta’s nagbihis lang to freshen up, para sa show. Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang, tapos picture, tapos ang dating parang ilang araw kami dun.”

 

 

Inulit ni Aljur na trabaho talaga ang ginawa nila doon at nagpunta sila sa Leyte para sa mga kooperatiba.

 

 

 

 

 

Angel Locsin hindi napigilang maging emosyonal ng mabawasan ang kanyang mga scholars

Hiyang-hiya ang mga kasambahay ni Korina Sanchez para sa kanyang Tongue Twister Challenge!