in

Hiyang-hiya ang mga kasambahay ni Korina Sanchez para sa kanyang Tongue Twister Challenge!

Kilala bilang isang sikat na journalist anchor si Korina Sanchez. Kaya naman kahit sikat na ay game na game si Korina sa pag gawa ng mga tiktok videos.

Sa kanyang instagram account, inupload ni Korina ang isang Tiktok video challenge na tongue twister words. At kanilang sa sasabihin ang salitang, “Worcestershire Sauce”. Kasama niya dito ang kanyang mga kasambahay kung saan sinubok ang nila ang challenge na ito.

Una niyang tinawag ang kasambahay na si Gerlan kung saan game na game sa challenge ng kanyang amo. Sumunod naman sila Teresa, , Philip, ang kanyang messenger at si Ninoy ang kanyang driver.

Hirap man sa pagbigkas ng salita makikita naman na nag enjoy ang kanyang mga kasama. Dagdag pa dito, tinuro naman ni Korina kung paano ang tamang pagbigkas sa salitang “Worcestershire Sauce”. At syempre, hindi rin naka ligtas ang kanyang dalawang cute na anak sa kanyang challenge.

Sa video, makikita na sinasabi ni Korina ang tongue twister word challenge na “Worcestershire Sauce” kung saan bibigkasin ng dalawa. Nakakatuwa at madaling nakuha ng dalawa ang dalita lalo na si Pilar na halos maperfect ang tamang pagbigkas.

Samantala, umani ang video ng maraming reaksyon mula sa netizens kung saan maraming natuwa at na cute-an sa ginawang challenge ni Korina kasama ng kanyang mga anak at kasambahay. Nakaka good vibes at makikita na lahat ay masaya.

Ito ang ilan sa mga komento ng ating mga netizens:

“Ang Cute ni Pilar and Pepe”
“awwww! thank you for making me smile”

“Pepe nakaka gigil ka so cute also pilar ”

“Ha ha ha nakakatuwa c pepe pra tuloy ako nakikiliti sa tuwa”

“Hahahaha ur kids are so cute!!!”

“Galing ni pilar, c pepe umayaw na…cutee twins”

Talaga nga naman nakaka good vibes ang ganitong challenge.

Kumain at nagbihis lang daw nung Valentines! Aljur Abrenica idinitalye mismo ang lihim sa likod ng Hotel Spotted photo nila ni AJ Raval

BABY-DADDY reveal! Angeline Quinto, ipinasilip ang gwapong BF at ama ng kanyang baby sa isang maternity photoshoot