in

Liza Soberano muli na namang usap-usapan ngayon dahil sa paglitaw diumano ng kanyang baby bump

Pinagpepyestahan na naman ng mga Marites online si Liza Soberano dahil sa kakaibang laki daw ng tiyan nito.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan na buntis diumano ang Kapamilya actress. Ito ay nang mapansin ng mga netizens na tila malaki daw ang tiyan ng aktres.

Nakita daw ito sa larawan nila ng nobyong si Enrique Gil noong nagbakasyon sila sa ibang bansa.

Agad naman pinabulaanan ito ng mismong talent manager ni Liza na si Ogie Diaz. Sa kanyang YouTube channel, iginiit ni Ogie na hindi daw buntis ang kanyang alaga.

Samantala, makalipas ang ilang buwan ay muli na namang pinaghinalaan na buntis si Liza. Dahil ito sa pinaka bagong video upload ng aktres sa kanyang Instagram.

Makikita na dali daling pumunta sa fitting room ang aktres at nagpalit ng damit. Nakasuot siya ng fitted pink dress at may hawak na bulaklak at box of chocolate.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Saad ng mausisang mga netizens, litaw na litaw na daw ang baby bump ng aktres sa nasabing video. Natakpan lang daw ng hawak na bulaklak at chocolate ang tummy ni Liza.

Ngunit hindi naman batikos ang natanggap ng bagong video na ito ni Liza. Tuwang tuwa pa nga ang kanyang mga fans kung sakaling totoo daw ang balitang ito.

James Reid lilisanin na ang bansa, sa LA na itutuloy ang kanyang singing career

Angel Locsin hindi napigilang maging emosyonal ng mabawasan ang kanyang mga scholars