in

James Reid lilisanin na ang bansa, sa LA na itutuloy ang kanyang singing career

Goodbye Pinas na ngang talaga ang aktor na si James Reid upang ipagpatuloy sa ibang bansa ang kanyang singing career.

Nagdesisyon na umano na lumipat at manirahan sa US na ang aktor at singer na si James Reid.

Sa ilang Instagram stories ng mga kaibigan ni James. Makikitang nagbibigay na ito ng mensahe para sa kanya na nagpapahiwatig ng pag-alis nito.

Makikita sa mga larawan ng kanyang despedida ang pagyakap at pagsasaya ni James kasama ang kanyang mga kaibigan.

Balitang sa Los Angeles, California ang tungo ng binata kung saan naka-base ang talent management na tutulong sa kanyang career doon.

Ani ng kaibigan ni James na si Fiona Faulker na nagbahagi ng litrato na tila kuha mula sa nasabing farewell party. “Going to miss you brother.”

Lumabas din sa Instagram story mismo ni James ang cake na may dedication na. “Bon Voyage and Good luck James Reid.”

Nagsimulang lumamlam ang karera ni James both sa singing and acting simula nang kumawala siya sa Viva Films taong 2019. At i-manage siya ng kanyang amang si Ginoong Malcolm Reid pero hindi naman naging successful.

Idagdag pa ang pagkakabuwag ng loveteam nila ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre na kumawala rin sa Viva pero ngayon ay nakabalik na at tatapusin ang kontratang naiwan kaya may projects na siya ulit sa nasabing film company.

Samantala, sa IG post ng kanyang kapatid na si Chantal Calicdan bandang alas nuwebe kagabi. Hinatid na nila si James sa airport at patungo na ito sa LA

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chantal Calicdan (@chantyxc)

‘Sana patawarin, mahal ko.’ – Tom Rodriguez nagmamakaawa na nga ba sa kanyang asawang si Carla Abellana?

Liza Soberano muli na namang usap-usapan ngayon dahil sa paglitaw diumano ng kanyang baby bump