in

Angel Locsin hindi napigilang maging emosyonal ng mabawasan ang kanyang mga scholars

Naluha si Angel Locsin nang marinig ang mensahe sa kanya ng mga c4nc3r patients at scholars na tinutulungan niya.

Kilala si Angel na isa sa mga celebrities na bukas palad ang pagtulong sa mga nangangailangan. Hinirang na nga siya bilang Heroes of Philanthropy ng Forbes Asia.

Bukod sa kanyang napakaraming donation drives, si Angel ay mayroon din mga pinapaaral na scholars.

Noong 36th birthday ng Kapamilya actress nakaraang taon, sinorpresa siya ng kanyang “Iba ‘Yan” family bilang bahagi ng selebrasyon.

Ipinalabas sa nasabing episode ang  compilation ng mga video greeting mula sa kanyang personal beneficiaries na nasa pangangalaga ng C4nc3r Warriors Foundation, pati na rin ang mga scholar niya sa Bukidnon.

Habang umiiyak, nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat ang aktres. Sa lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan, lalo sa mga taong natutulungan niya. Ngunit inamin ni Angel na nabawasan na ang kanyang mga scholars.

“Actually, nahihiya ako sa kanila, kasi ‘yung mga scholars natin sa Bukidnon, marami sila dati. Simula noong nawalan tayo ng franchise (ng ABS-CBN), hindi ko na mabigyan lahat,” ani Angel.

“Iilan na lang sila ngayon. Kaya medyo hindi ako makapagpakita sa kanila, kasi nahihiya ako, kasi ‘yung commitment ko, hindi ko na maibigay sa kanila.

“Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kasi parang feeling ko kulang pa,” pahayag pa ng aktres.

Lubos din naapektuhan si Angel sa pagpapasara sa kanyang mother network. Gayunpaman, hindi pa din tumitigil sa pagtulong ang real life Darna.

Liza Soberano muli na namang usap-usapan ngayon dahil sa paglitaw diumano ng kanyang baby bump

Kumain at nagbihis lang daw nung Valentines! Aljur Abrenica idinitalye mismo ang lihim sa likod ng Hotel Spotted photo nila ni AJ Raval