in ,

Waitress! itinapon ang inumin ng kanyang customer,Ngunit ito pala ang dahilan niya!

Sa panahon ngayon marami ang mapamantalang tao, kaya naman laging ipinapaalala sa atin na magingat lagi lalo na sa mga taong ating nakakasaluha. Ganu’n pa man,minsan kung sino pa ang ating pinagkakatiwalaan ay yun pa ang mga taong may masamang balakid sa ating buhay.

Gaya na lang sa isang video na kumalat ngayon sa social media. Makikita na normal na nagdadate ang dalawa. Ngunit hindi akala ng babae na may masama palang plano ang kanyang kadate sa kanya. Makikita sa video ang maitim na plano ng lalake sa kanyang kadate.

Makikita ang video na hango sa isang CCTV footage ng isang restaurant.Mukhang tiwala naman ang babae sa kanyang kasama ngunit hindi niya alam na may masama pala itong balak sa kanya.

Makikita sa video ang paglagay ng lalaki ng isang tableta sa inumin ng babae na kanyang kasama. Hindi nakita ng babae ang ginawa ng lalaki dahil na din sa biglang pagtalikod niya. Ngunit akala ng lalaki na walang nakakita sa kanyang ginawa, hindi nito alam na sinabihan ng isang waitress ang kasamahan sa nangyari, kaya naman mabilis na kumilos ang mga ito.

Pumunta ang waitress sa pwesto ng dalawa at kunwaring hindi sinasadya na natapon niya ang inumin sa lalaki. Bago pa ito ay tumawag na sila ng pulis. Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na ang mga awtoridad upang hulihin ang lalaki.

Labis naman nagulat ang babae sa bilis ng pangyayari kaya naman ipinaliwanag sa kanya ng waitress ang masamang balak ng lalaki sa kanya kaya ito hinuli ng mga pulis.Kung hindi dahil sa mabilis na kilos ng dalawang empleyado ay malamang na may nangyari ng masama sa babae.

Anong masasabi mo sa istoryang ito? Like and comment down below!

Mariel Padilla, Inamin na wala silang wedding ring ng kanyang asawa na si Robin Padilla!

Enchong Dee nagbalik-tanaw sa kanyang childhood memories, binisita ang kinalakihang lugar sa Naga City