in

Mariel Padilla, Inamin na wala silang wedding ring ng kanyang asawa na si Robin Padilla!

Binuking ni Mariel Padilla na sa loob ng labing dalawang taon nilang bilang mag-asawa ni Robin Padilla na wala silang wedding ring.

Bukod kina Mariel, isa din sila Angel Locsin at Neil Arce na wala din wedding ring.

Dahil sa instagram post ni Angel Locsin bago mag valentine’s day, hindi napigilan ni Mariel na magkomento sa post ng aktres na kahit sila ng kanyang asawa na si Robin Padilla ay walang wedding ring.

Ani ni Mariel sa kanyang komento,” Kami mag 12 years wala kaming wedding rin parin mars. Hehehe happy anniversary”.

At sinagot naman ni Angel ang kanyang komento na, “@marieltpadilla singilin mo na si kuya @robinhoodpadilla”. Hindi naman napigilan ng mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin sa komento ni Mariel.

Pero dahil dito, marami ang nag taka kung paano nangyari na walang singsing! Samantalang bago magpakasal ang dalawang tao, una din na binibili ay singsing lalo’t mahalaga ito sa mga kinakasal.

Ani ng isang Netizen,” how do you get married without a ring? I thought that’s the main thing you need first? No hate po just asking”.

Sa post ni Angel sa kanyang IG, inamin niya nga nawala silang wedding ring ni Neil Arce at nito lamang sila nagkaroon ng official wedding ring after ng ilang buwan ng kanilang kasal noong hunyo nakaraan taon.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay asawa ni Robin Padilla kung saan kinasal sila sa Taj Mahal sa India. Isa siyang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Lingid sa kaalaman ng iba, si Mariel ay isang American Citizen.

Bukod pa dito,masasabing mabuting tao ang mag-asawa dahil na rin sa magandang pakikitungo nila sa kanilang kasama sa bahay at ibang kilalang personalidad na tao sa industriya.

Pokwang! nag trending matapos maging emosyonal sa kanyang birthday greetings para sa aktres na si Ms. Kris Aquino!

Waitress! itinapon ang inumin ng kanyang customer,Ngunit ito pala ang dahilan niya!