in

Enchong Dee nagbalik-tanaw sa kanyang childhood memories, binisita ang kinalakihang lugar sa Naga City

Muling bumisita ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa kanyang childhood home town sa Naga City.

Sa kanyang recent vlog ay tila nagkaroon si Enchong ng “Naga Tour”. Kung saan ipinakita niya sa mga netizens ang dating bahay na kinalakihan.

Inilibot niya ang mga viewer sa dati nilang tinirhan sa Naga City pati na kung saan siya nag-aral. Nalungkot pa nga si Enchong dahil ibang iba na umano ang itsura ng bahay.

Pero masaya pa rin siya dahil may mga ilang bahagi ng bahay na nananatili pa rin magpasahanggang ngayon.

Pinakita rin ng aktor ang lumang swimming pool kung saan siya nagti-training dati bilang swimmer.

Matatandaang bago sumikat sa pag-aartista, isa nang magaling na swimmer si Enchong. Sa katunayan, miyembro siya ng national swimming team at lumahok sa SEA Games at 2006 Asian Games.

“It’s a weird feeling. It’s a happy but a bit sad feeling na wala na siyang tubig. A lot of things flashing back. A lot of childhood memories, replaying in my mind right now. Masaya pero how I wish it’s as healthy as before when I was still swimming here,” pagbabahagi ng aktor.

“It’s so surreal, nandito na ako ulit. I’m so happy. Dito nagsimula lahat, lahat ng pangarap,” dagdag pa ni Enchong.

Samantala, tumikim din siya ng beef bone marrow, laing at bicol express. Ipinakita rin nito ang ilang mga lugar na madalas nilang bisitahin noon pati na rin ang mga ilang signature dishes sa lugar gaya ng kinunot at kinalasan.

Waitress! itinapon ang inumin ng kanyang customer,Ngunit ito pala ang dahilan niya!

‘Sana patawarin, mahal ko.’ – Tom Rodriguez nagmamakaawa na nga ba sa kanyang asawang si Carla Abellana?