in

Pokwang! nag trending matapos maging emosyonal sa kanyang birthday greetings para sa aktres na si Ms. Kris Aquino!

Pokwang sumulat ng isang madamdaming sulat bilang pagbati sa ika 51st na kaarawang ni Ms. Kris Aquino ngayong araw ng mga puso Feb.14.

Bukod sa kanyang sulat at pagbati sa aktres, ipinakita niya ang kanyang pag-aalala sa kalusugan ng Queen of All Media na si Ms.Kris Aquino.

Ani ni Pokwang,ipinagdarasal niya ang pag galing ni Kris Aquino para na rin sa dalawang anak nito na si Josh at Bimby kasama na din ang mga mahal nito sa buhay.

Samantala, ipinakita ni Pokwang ang kanyang pagmamahal para kay Kris Aquino na bukod sa kanyang sulat at pagbati ng Happy Valentine’s day ay nag post din si Pokwang ng kanilang mga larawan ni Kris Aquino na magkasama.

“Happy birthday @krisaquino, dasal ko araw araw ang ikabubuti ng iyong kalusugan para kay kuya Josh, Bimb at lahat kaming nagmamahal sayo “Mahal ka namin and Happy Valentine’s day na rin po sa inyong lahat,” pagbabahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram Account.

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino,o mas kilala bilang  Kris Aquino, isang Host,aktres at businesswoman na kilala sa industriya at ibang panig ng mudo.

Siya din ang ina nila  Bimby Aquino at Joshua Aquino na kapatid ng dating pangulo na yumao na si Noynoy Aquino.

Jolina Magdangal naging emosyonal sa naging supresa ng kanyang Pamilya ngayong Valentine’s Day.

Mariel Padilla, Inamin na wala silang wedding ring ng kanyang asawa na si Robin Padilla!