in

Jolina Magdangal naging emosyonal sa naging supresa ng kanyang Pamilya ngayong Valentine’s Day.

Hindi napigilan ni Jolina Magdangal na mapaluha at maging emosyonal matapos masupresa sa video na hinanda ng kanyang asawa at anak para sa kanya.

Labis ang pagkabigla ni Jolina matapos makita ang kanyang YouTube Channel, kung saan may inihandang supresa pala sa kanya pamilya ngayong araw ng mga puso February 14.

Sa supresang video na inupload sa kanyang YouTube Channel,mapapanood ang pagkanta sa kanya ng kanyang mga importanteng tao sa kanyang buhay. Sabay-sabay na kumakanta ang kanyang mga anak na sila Pele at Vika at kanyang asawa na si Mark na “You are my Sunshine”!

Kaya naman, hindi napigilan ni Jolina na mapahagulgol sa video na inihanda ng kanyang pamilya.

Ayon kay Jolina, parang Mother’s Day at Birthday niya daw base sa kanyang naramdaman matapos na mapanood ang video.

“Valentine’s Day ngayon pero sa ginawang surprise ni Mark, Pele and Vika, pakiramdam ko Mother’s Day at Birthday ko. NAPAHAGULGOL TALAGA AKO MGA MOMSH! Ibang klase talaga si Papa Jesus magbigay ng kasagutan pag malalim na ang nararamdaman natin. Pinaalala niya sakin na mas madami parin akong dapat ipagpasalamat sa buhay ko na makakatalo [sa] worries ko.”

Si Jolina ay isang aktres, may-bahay, singer,host at isang businesswoman nakilala sa industriya ng showbiz. Kinilala din siya bilang isang “Queen of Pinoy Popular Cultu” base na din sa kanyang kasikatan at galing. Isa din siyang host sa programa ng ABS-CBN na ” Magandang Buhay!”.

Gerald Anderson nadale ng ‘basag-kotse’ gang, mamahaling mga kagamitan nalimas ng mga kawatan!

Pokwang! nag trending matapos maging emosyonal sa kanyang birthday greetings para sa aktres na si Ms. Kris Aquino!