in

Gerald Anderson nadale ng ‘basag-kotse’ gang, mamahaling mga kagamitan nalimas ng mga kawatan!

Nalimas ang mga mamahaling gamit ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ng mabiktima siya ng ‘bukas-kotse’ gang.

Sa kuha ng CCTV sa insidente noong Enero 31, mapapanood na binasag ng mga suspek ang bintana ng kotse ni Gerald. Habang nakaparada ito sa tapat ng isang gym sa Roces Avenue, Quezon City.

Kasama sa mga nakuha sa aktor ay ang kanyang wallet, relo, ilang alahas, pasaporte, credit card, mga ID at gadgets.

Batay sa report ng NBI, kitang-kitang sa CCTV ang pagdating ng dalawang lalaki. Sakay ng motorsiklo, malapit sa nakaparadang sasakyan ng aktor.

Kaagad na bu­maba ang angkas ng motorsiklo, sinilip ang loob ng sasakyan. At binasag ang bintana ng itim na SUV at tinangay ang isang bag na malapit sa pintuan.

Pero natunton umano ng NBI ang isang suspek matapos niyang buksan ang laptop ni Gerald. At nag-transfer ng P50,000 sa sariling account mula sa crypto wallet ng aktor.

Sa pagkakahuli sa kasabwat, sumuko sa NBI ang 2 pang suspek. Sinabi ng isa sa mga suspek na hindi umano nila alam na kotse ng aktor ang pinagnakawan hanggang sa nakita ang ID nito.

Narekober din ng mga awtoridad ang mga motorsiklong ginamit sa pagnanakaw ng mga suspek sa Tondo kung saan naka-base ang grupo.

Nabawi rin umano nila ang isang bag, dalawang relo at mga gadget ng aktor. Gayunman, hindi pa rin narerekober ng mga awtoridad ang pitaka, mga identification (ID) card at passport nito.

Nagpasalamat naman si Anderson sa mga awtoridad.

“Gusto ko pong gamitin ang pagkakataon na ito para magpasalamat po sa NBI lalo na po Special Action Unit. Sobrang salamat po sa dedication, sa perseverance at patience para ho mahanap natin po ‘yung mga gumawa ng krimen na ito sa basag kotse na ginawa po sa aking sasakyan,” aniya.

Aljur Abrenica at AJ Raval magkasamang ipinagdiwang ang araw ng mga puso sa isang hotel sa Leyte

Jolina Magdangal naging emosyonal sa naging supresa ng kanyang Pamilya ngayong Valentine’s Day.