in , ,

Sa Araw ng mga Puso, Maymay Entrata ipinakilala na sa wakas ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso

Ngayong Valentine’s Day, maraming puso ang buong buo at proud na inamin ang mga lubos na nagpapasaya sa kanila ngayon.

 

 

Una na si ang TV host/comedian na si Vice Ganda, kung saan inamin na ang pagpapakasal sa long time boyfriend na si Ion Perez.

 

 

READ ALSO:

Love wins! Mga larawan ng emosyonal na kasal nila Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas

 

Ngayon naman ay ang model/actress na si Maymay Entrata.

 

 

Sa wakas ay opisyal nang ipinakilala ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata ang kanyang foreign boyfriend.

 

 

Ang PBB teen big winner na si Maymay Entrata ay nakilala hindi lang sa kanyang husay sa pagpapatawa at pag-arte.

 

 

Hindi lang sa Pinas gumawa ng pangalan si Maymay. Umagaw din ito ng atensyon sa international modelling industry.

 

 

Pagkalabas ng bahay ng Kuya, si Maymay ay ipinares sa kapwa niya dating kasambahay na si Edward Barber na naging sobrang malapit sa kanya.

 

 

Ang kanilang closeness ay nagdulot ng mga espekulasyon na baka may romantic relationship na nga ang dalawa. Ngunit palagi nilang sinasabi na magkaibigan lamang sila.

 

 

Na-link siya dati kay Donny Pangilinan. Pero tulad ng kay Edward, itinanggi niya ang relasyon nila ni Donny.

 

 

Sa kabilang banda, nilinaw na noon ni Maymay na isang non-showbiz guy ang nakabihag ng kanyang puso.

At sa wakas, pinutol na ni Maymay ang pananabik ng kanyang mga follwers na makilala ang swerteng lalaking tinutukoy niya.

 

 

Nito lamang ay nireveal na ng model/actress ang kanyang Valentino sa kanyang Instagram account.

 “Happy Birthday my Valentino.”

 

 

Maigsi ngunit nakakakilig na caption niya sa kanyang recent photo na kayakap ang isang non-showbiz guy.

Hindi lang mga fans ang pinakilig ni Maymay sa post na ito, maging ang kanyang mga showbiz friends din ay nagulat sa kanyang post.

 

 

Ilan sa mga nagkomentong celebrities ay sina Elisse Joson, Maja Salvador, Mimiyuuuh, Janella Salvador, Sue Ramirez, Chie Filomeno, Kim Chiu, Maris Racal, Liza Soberano, at iba pa.

“MAYMAY I LOVE YOUUUU!! YOU DESERVE TO BE HAPPY. SANA OL!!!!!!!!!!” komento ng vlogger na si Mimiyuuuh.

 

 

Ganyarn!!!! happy valentines,” komento naman ni Angelica Panganiban.

“Ano to ano to??? Aba’y ipakilala mo naman sa akin,” saad ni Luis Manzano.

 

 

Trending topic din si Maymay sa Twitter na may 5,649 tweets as of writing.

Halos dalawang oras lang matapos niyang ipost ang larawan ngayong Lunes ay mahigit 395,646 likes na agad ang nahakot nito sa Instagram.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Jolina Magdangal pinagbigyan ang hiling ng anak, tinahian ng damit ang alaga nitong ipis

Aljur Abrenica at AJ Raval magkasamang ipinagdiwang ang araw ng mga puso sa isang hotel sa Leyte