in

Aljur Abrenica at AJ Raval magkasamang ipinagdiwang ang araw ng mga puso sa isang hotel sa Leyte

Spotted ngayong Valentine’s Day sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa isang Hotel Resort sa Leyte.

Sa isang Facebook post ng Haiyan Hotel and Resort sa Tanauan, Leyte, makikita sina Aljur at AJ kasama ang opisyal ng hotel.

“Cheers to Aljur Abrenica and Aj Raval! Thank you for the visit here at Haiyan Hotel and Resort,” pagbati ng hotel sa kanila.

Maya-maya pa ay nag-post muli sa Facebook ang admin ng Haiyan ng larawan ng dalawa kasama ang may-ari ng resort.

Isa namang netizen ang nagpost ng larawan niya kasama sina Aljur at AJ.

Ginamit niya ang viral na linya noong kasagsagan ng issue nina Paolo Contis at Yen Santos kung saan nagpunta lamang daw sila sa Baguio “as a friend.”

Caption ng netizen sa larawan niya kasama ang kontrobersiyal na personalidad: “Aj Raval and Aljur Abrenica. Tara sa Haiyan as a Friend. Haiyan Hotel lang sakalam”

Sa ngayon, wala pang pahayag ang dalawa hinggil sa naturang larawan.

Matatandaan, naging sentro ng kontrobersya si AJ. Nang aminin nitong nanliligaw sa kaniya si Aljur na kagagaling lamang sa hiwalayan sa asawa nitong si Kylie Padilla.

Naging dahilan ito ng pagpapahinga ng aktres sa social media. Itinanggi na ni AJ na third party siya sa pagkakasira ng relasyon ng dalawang artista.

Sa isang TikTok video nito lamang Oktubre 20 ay humingi pa ng tawad si AJ kay Kylie matapos niyang ibahagi ang post ni Aljur tungkol sa umano’y panloloko ng kanyang misis.

Sa ngayon daw ay nakapokus silang dalawa sa mga bagay na dapat nilang pagtuunan ng pansin at problemahin ayon sa huling panayam ni AJ.

Sa Araw ng mga Puso, Maymay Entrata ipinakilala na sa wakas ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso

Gerald Anderson nadale ng ‘basag-kotse’ gang, mamahaling mga kagamitan nalimas ng mga kawatan!