in

Jolina Magdangal pinagbigyan ang hiling ng anak, tinahian ng damit ang alaga nitong ipis

Naloka pero agad din namang pinagbigyan ng Kapamilya tv host actress na si Jolina Magdangal ang request ng kanyang anak.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Jolina ang cute na cute na mga larawan ng anak. Na si Vika Aniya habang kasa-kasama nito ang kanyang alagang si “Ipi”.

Si “Ipi” ay isang ipis na pinakamamahal na pet ng kanyang baby Vika. At syempre bilang Momshy ay todo ang suporta ni Jolina sa mga kagustuhan ng kanyang anak.

Ani Jolina sa kanyang post, “Anak!!!! Pag malaki ka na, ipapa frame ko ang picture na ito para alam mo kung gaano kita kamahal”

Pagkukwento niya, may request daw ang kanyang anak na hindi niya matanggihan at ito ay ang magtahi ng damit para sa kanyang laruan.

“‘Di ko alam pano ko natapos magtahi ng damit para sa ipis pero dahil buong araw niya ako kinukulit na gawan ko daw ng damit si “IPI”, ayan ang dress (partida may migraine pa ako nyan ha). Napaka sakit sa kamay!”

Nang matapos niya ang request ng anak ay sobrang saya din ng pakiramdam ni Jolina dahil aniya nga. “Pero napaka-priceless ng ngiti at kilig mo anak”

Sa nauna ng post ni Jolina ay ibinahagi niya na katabi pa ni Vika si “Ipi” sa kanyang pagtulog. Giliw na giliw ito sa kanyang kakaibang laruan.

Tulad ka din ba ni Momshy Jolens na ibibigay ang lahat para sa anak?

Barbie in real life, Remember San Chai of Meteor Garden? Here’s her life now

Sa Araw ng mga Puso, Maymay Entrata ipinakilala na sa wakas ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso