in ,

Arci Munoz, rumampa sa Hollywood red carpet, new looks nito ikinagulat ng mga netizens

Nag lay-low man sa mga TV projects, nananatiling active parin ang Kapamilya actress na si Arci Munoz sa kaynag social media account.

 

 

Base sa kanyang mga post, nag eenjoy ngayon ang aktres sa Amerilka at tila ilang buwan narin siyang nananatili doon. Kasabay ng paglibot niya sa Amerika, nakakabilib din ang mga nagawang projects at connections ni Arci sa Hollywood industry.

 

 

Nakagawa siya ng music video at nabigyan din ng magandang puwesto sa BTS concert sa L.A.

 

 

Matatandaang noong Oktubre ay inihayag ni Arci ang kanyang intensyon sa pagtakbo bilang konsehal sa Antipolo, ngunit wala pang kompirmasyon kung tuloy ang plano niyang ito.

 

 

Ngunit ang pinaka pinaguusapan ngayon ay ang new looks ng ‘Walang Hanggang Paalam’ star.

 

 

Ang latest kay Arci ngayon ay ang pagrampa niya sa isang prestigious award ceremony para sa mga Asian-American achiever sa Los Angeles California, USA, kamakailan.

 

 

Nag-attend siya sa red carpet ng Hollywood film na Jackass Forever na ginanap ito sa TCL Chinese Theatre, Hollywood.

 

 

Masayang masaya at proud na ibinahagi ng aktres ang first time experience niyang ito sa red carpet.

“Thanks for ze invite! #j4ck4ssforever my first Hollywood red carpet moment.”

 

 

Hindi nagpakabog si Arci sa kanyang black sequins mini-dress na talaga namang bumagay sa kanya.

Ngunit ang isa pang pinagusapan ay ang new looks ng aktres.

 

 

Umani ng iba’t ibang komento ang mga larawan ni Arci na tila ikinagulat ng marami sa social media.

Reaksyon ng iba, hindi na halos makilala ang aktres sa mga pagbabagong ipinagawa nito sa kanyang mukha.

 

 

Komento pa ng ilan, tila humahabol na raw siya sa itsura ni Michael Jackson.

 

 

Para sa iba naman, super fan daw siya ni Angelina Jolie kaya naman pinagaya nito ang mga labi ng sikat na Holywood star.

 

 

Ngunit karamihan ay tila hindi na nagustuhan ang pagbabagong anyo na ito ni Arci. Para sa kanila ay mas maganda na noon ang itsura ng aktres.

 

 

Matatandaang noong 2017 nung unang naging laman ng balita ang aktres dahil sa biglang pagpapabago nito ng ilong.

 

Para naman sa aktres, hindi naman ito pinabulaanan ng aktres, bagkus ay inihayag na wala siyang dapat ipaliwanag sa mga tao. My life my rules.

 

 

Sa ngayon ay masayang masaya naman si Arci Munoz sa kanyang mga new ventures.

 

 

Narito ang ilan sa mga komento sa bago niyang larawan:

 

.

.

.

.

.

 

Anong masasabi niyo dito?

Kris Aquino kapansin-pansin ang pagbabago ng itsura ngayon dahil sa kanyang latest video.

Naalala Niyo Pa Ba si Agatha Tapan ng Mara Clara? Silipin ang Buhay Niya Ngayon