in

Batikang aktres na si Cherie Gil maninirahan na sa US nagpakalbo bilang sign umano ng ‘rebirth’

Sinorpresa ng beteranang aktres na si Cherie Gil ang publiko sa kanyang new look bago tuluyang manirahan sa America.

Isang kalbong Cherie Gil ang bumulaga sa madla bilang cover ng anniversary issue ng isang lifestyle magazine.

Ayon sa batikang aktres, ang kanyang pagpapakalbo ay simbolo ng kanyang ‘rebirth’ dahil sa planong pag-alis sa Pilipinas.

Ani Cherie, dahil sa kanyang kondisyon kaya naisipan niyang magkaroon ng bagong look. At ibenta ang kanyang mga ari-arian sa ‘Pinas.

“I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting the priority. I was getting tire of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up,” saad ng aktres, na kilala bilang magaling na kontrabida.

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life… I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,” dagdag pa nito.

Pag-amin pa ni Cherie, dumaan siya sa counseling dahil sa kanyang mental health.

“I won’t deny that I have gone to therapy and counseling. Years and years of doing that. I learned that it just boils down to doing the hard work on and with yourself by whatever means. What’s hair di ba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth. When a woman is in distress, she cuts her hair.”

Nakatakdang mag-migrate sa New York si Cherie, kung saan naninirahan ang kanyang mga anak.

Barbie Imperial kinumpirma na sa ekslusibong panayam na hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

Tita ni Darren Espanto G na G sa larawan ng pamangkin kasama sina Andrea at Kyle