in

Barbie Imperial kinumpirma na sa ekslusibong panayam na hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

Kinumpirma na ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial na hiwalay na nga sila ng nobyong si Diego Loyzaga.

Sa ecxclusive interview ni Barbie sa ABS-CBN News kay MJ Felipe, ibinahagi niyang wala na sila ni Diego. Ito ay matapos niyang ibahagi ang mga natutunan niya sa mga dating nakarelasyon.

Nang matanong kung ano nga ba ang natutunan niya sa mga past relationships niya. Saad ni Barbie, “Baka kaya paulit-ulit nangyayari sakin to kasi hindi ko talaga minamahal yung sarili ko.”

“All the same story each boyfriend, so for me parang, what if ibahin ko ngayon. Sarili ko naman yung mahalin ko.”

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang aktres pero ayon sa report ay maayos ang kanilang paghihiwalay.

Matatandaan na umugong ang balita na hiwalay na sina Barbie at Diego nito lamang nakaraang buwan.

Napansin kasi ng mga netizens na tila hindi magkasama noong mga nakaraang holidays ang magkasintahan.

Lumipad na din papunta sa ibang bansa si Diego para magbakasyon na hindi rin kasama si Barbie. Nang matanong siya kung anong dahilan ay hindi din nakasagot ng diretso ang aktor sa tunay na rason.

Una na ding kinumpirma ni Ogie Diaz na nasagap niya sa kanyang source na hiwalay na nga daw ang dating sweet couple.

Melai Cantiveros nanggalaiti sa lumait sa kanyang anak, ipapahanap ito at idedemanda

Batikang aktres na si Cherie Gil maninirahan na sa US nagpakalbo bilang sign umano ng ‘rebirth’