in , ,

Ellen Adarna, ginulat ang lahat nang sagutin nito ang comment tungkol sa Pre-Nup agreement sa estado nila ni Derek

Dalawang buwan ng nakakalipas matapos ikasal ang dalawang kontrobensyal na aktor/aktress na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

 

 

Marami ang nabigla, namangha at di naniwala sa relasyon ng dalawa. Simula noong nakaraang taon naging maingay ang pangalan couple sa social media.

 

 

Naging open ang celebrity couple sa kanilang mga fans tungkol sa married life nila. Maging si Ellen ay nagbibigay ng chance sa kanyang mga fans na magtanong ng mga bagay bagay tungkol sa kanya.

 

 

Hanggang nitong nakaraan lang, isang napaka personal na tanong ang pinaunlakan ni Ellen.

 

 

Sa isang episode ng “Ask Me a Question” ni Ellen sa kanyang IG story, isang netizen ang nagtanong patungkol sa “Pre-Nup Agreement” point of view ng celebrity mom.

“I know both of you and your husband are both well off but did you guys ever consider prenup agreement?”

 

 

Bagama’t masyado daw personal ang tanong na ito ayon kay Ellen, sinagot pa rin niya ng deretsahan ang tanong. Aniya,

“So many people ask me and Derek this, and this is a very personal question.

 

 

“So, let’s put it this way. Dili ko lugi ni Derek ug si Derek di sad lugi nako (Hindi ako lugi kay Derek at si Derek ay hindi rin lugi sa akin). So, patas ang show.”

 

 

Alam ng marami na parehong galing sa Buena Familia ang dalawa kung saan ang pamilya. Ang pamilya ni Ellen ay nasa real-estate businesses and chain of motels na kalat sa Cebu, Davao, Cagayan De Oro at Metro Manila.

 

 

Samantalang ang pamilya ni Derek ay nasa larangan ng Security Businesses. Bukod pa dito may mga investments din ang hunk actor na properties sa mga exclusive subdivisions.

 

 

Masasabing walang lugi sa pagitan ng mag-asawa.

 

 

Inamin din naman ni Ellen na walang problema sa kanila ni Derek lalo na pagdating sa usapin ng pera.

 

 

Hindi dahil galing sila sa buena familia kundi parehong nagyatrabaho ang mag-asawa sa showbiz kung saan marami din silang naging proyekto at endorsements.

 

 

Anong masasabi niyo dito? Sa panahon ngayon, may issue pa ba ang pre-nup agreement?

 

 

Robert Ortega ikinalungkot ang biglaang pamamaalam ng batchmate sa That’s Entertainment na si Romano Vasquez

Ayon kay Cristy, madilim na kili-kili raw ni Andrea Brillantes, pinagpyestahan umano ng mga netizens