in

Bakit pinamigay ni Jericho Rosales ang halos lahat ng kagamitan niya sa bahay?

Marami sa atin ang walang magawa nu’ng tayo ay naka quarantine at kabilang na dito ang mag-asawa na sina Jericho Rosales at Kim Jones.

Kung saan nagbawas ng mga gamit na hindi naman na nila kailangan at ginagamit. Kaya naman naisipan ng mag-asawa na mag makeovers sa kanilang bahay kung saan nagbigay-kasiyahan kina Jericho ang magbawas ng gamit.

“Akala mo wala kang magagawa, hindi ka magiging busy kasi nagka-lockdown.

“Then doon mo ma-ri-realize… nandoon pala iyong bahay mo, ang rami mong lilinisin,” the Kapamilya actor said.

“May background si Kim ng interior architecture.

“Funny because habang nagla-lockdown, ito iyong chance namin mag-rearrange ng bahay, mag-ayos ng walls, kung anu-ano…

“Siguro nagkaroon kami ng around 200 sessions ng spring cleaning.

“So if you get to visit the house, makikita mo wala na kaming gamit dito. Pinamigay na namin, dinispose na namin lahat.

Kaya naman hindi nagdalawang isip ang mag-asawa na ipamigay ang ilan sa kanilang mga damit sa kanilang pamilya at ilan na malalapit na kaibigan.

Dagdag pa ni Jericho, “Our family members and our friends are so happy kasi ang rami naming tinambak. Ang rami naming pinamigay na gamit.

“‘Tapos tinanggal namin iyong mga sahig, tinanggal namin iyong mga cabinets, as in basically winasak namin iyong buong bahay.

“Ginawa na lang namin super, super minimal kasi we just realized that, ‘Ay ito lang pala ang kailangan natin, e.’ So it’s really nice.”

Ang kanilang bahay ay dinisenyo ng kanyang matalik na kaibigan na si Architect Buji Libarnes taong 2005. Minimalist structure at kulay puti ang bahay ni Jericho kung saan masasabi na ito ay “neutrals, wooden elements, and a homey atmosphere dominate.”

Ani ni Echo sa kanyang interview sa Love from Home ang paborito niyang spot ng kanyang bahay ay ang kanilang swimming pool kung saan nakaka relax daw. Dagdag pa niya,

“I also love the kitchen, just like a lot of people.

“I love the kitchen not because I’m cooking, but because Kim’s cooking, and I’m eating. And gusto ko rin iyong lababo kasi lagi akong naghuhugas ng plato.”

Ani ni Echo, during the pandemic mas napagtuunan din nila ng pansin na dagdagan ng halaman nag kanilang paligid.

Xander Ford Nagsisi matapos insultuhin si Kathryn Bernardo!

Silipin ang nakakalula sa laking walk-in closet ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao!