in ,

Ayon kay Cristy, madilim na kili-kili raw ni Andrea Brillantes, pinagpyestahan umano ng mga netizens

Bilang celebrity, ang pisikal na ka-anyuan ang priority. Dahil sabi nila, kung ano ang nakikita ng mga tao sayo, ayun ang pagbabasehan nila ng iyong pagkatao.

 

 

Lalo na ngayong naging main medium na ng mga tao ang social media, Dito lahat ng nakikita ay pinaguusapan.

 

 

Kamakailan, sa isang episode ng “Cristy Ferminute”, napagusapan nila tita Cristy at kasamang si Romel Chika ang tungkol sa kili-kili o underarm ng young actress na si Andrea Brillantes.

 

 

Sabi nga ni Nay Cristy, mukhang isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang kili-kili ni Andrea.

 

 

Ayon kay Nay Cristy, pawisan ang kili-kili ni Andrea noon kaya naman nagpa-botox umano ito sa kili-kili, courtesy of Dra. Vicki Belo.

“Bakit ba pinagpipyestahan naman kasi yung kilikili ni ano, ano ba yan?”

 

 

Isinalaysay ni Romel ang umano’y insidente na nangyari dalawang taon na ang nakararaan.

“Two years ago, may ipinakita silang nag-aamuyan sila ng kilikili,” kwento ni Romel.

“Nino?” tanong naman ni Nay Cristy.

 

 

Dito, sinagot ni Romel ay si Seth.

“Kumalat sa Tiktok na pagtaas niya ng kamay niya, kasi yung ilaw daw. Sabi niya sa ilaw daw kaya parang madilim.”

 

 

Sagot naman ni Nay Cristy,

“Pero nagpa-botox siya kay Dra. Vicki Belo ng kilikili dahil nga pawisin, di ba? Pawisin yung kilikili niya.”

 

 

Sinabi tuloy ni Romel na nagpo-promote ngayon si Andrea ng deodorant. Pero depensa naman ni Nay Cristy, baka dahil sa deodorant na yan ang dahilan ng pamamasa masa ng kilikili ni Andrea.

 

 

“Baka kaya… yung mamamasa-masa niyang kilikili dahil lang sa deodorant na yan.” 

“Ako mas napapansin ko yung pilik-mata niya kaysa dun sa kilikili niya.” 

 

 

Pero pwede namang dahil lang sa lighting kaya napansin na parang madilim. Nangyayari naman yun sa karamihan, di ba?

 

Ellen Adarna, ginulat ang lahat nang sagutin nito ang comment tungkol sa Pre-Nup agreement sa estado nila ni Derek

Xander Ford Nagsisi matapos insultuhin si Kathryn Bernardo!