in , ,

Single mom, pahirapan noon makahingi ng sustento sa ama ang anak, lakas loob na pinuhunan ang natitirang 3,500, ngayon ay 3.4 Million na

Lingid sa kaalaman ng marami ang hirap at mga sakit na nararanasan ng isang single mom.

Bukod sa maraming sama ng loob, madalas ay nakakarinig pa ng di magagandang panghuhusga mula sa iba.

 

 

Pero sila’y isang ina, pinipilit maging matatag at nilulunok lahat ng panghuhusga para sa kanilang anak.

At dahil walang katuwang sa pagbuhay sa kanilang anak, kailangang magsumikap at maibalik ang kumpyansa sa sarili alang alang sa kanyang anak.

 

 

Gaya na lang ng isang single mom na ito na, ginawang lakas at inspisrasyon ang lahat ng pinagdaanan upang maging matagumpay ngayon.

 

 

Hindi sukat akalain ni Vannerie Picar, single mom at online seller na aabot ang kanyang income ng higit sa PHP3 million ng dahil sa pagtitinda ng mga skin care products.

 

 

Nag-resign noong bilang guro si Vannerie noong dahil sa maselan niya na pagbubuntis. At dahil sa araw araw na stress at pagbyahe, muntik pang malagay sa panganib ang buhay ng kanyang dinadalang sanggol.

 

 

Dagdag pa sa masaklap na pinagdaanan ni Vannerie ang malaman na ang ama ng kanyang dinadala ay may ibang babae pala.

Dahil dito, kinailangan niyang magsumikap at umahon sa pagkalugmok ng mag-isa para masuportahan ang anak at iangat ang imahe ng mga kagaya niyang single mom.

 

 

Nagtrabaho siya bilang call center agent ngunit hindi naging sapat ang sahod nito para sa lahat ng gastusin nilang mag-ina.

Kaya naman nag-isip siya ng ibang paraan para kumita.  Pinasok niya ang pag nenegosyo at gamitin ang huling P3,500 na natitira sa kanilang pera.

 

 

“Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500.”

“After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”

 

 

Nung una ay nahirapan siya. Ilang beses itong dumating sa punto na gusto na niyang sukuan ang pagbebenta online. Hanggang sa isang araw ay nakaisip ito ng magandang teknik sa pagbebenta.

 

 

Minabuti ni Vannerie na gamitin niya mismo, ang mga paninda at ipakita ang magandang resulta nito sa kanya. Dito nagsimulang tangkilikin ng maraming customers ang kanyang mga beauty products.

 

 

Kalaunan, ang madiskarteng single mom  ay kumita ng mahigit 3 milyong piso na talaga namang nagsilbing inspirasyon ng maraming netizens.

 

“Hindi ko inaakala na mararating ko yung PHP3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako.”

 

 

“Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak.”

 

 

Kung mahirap maging magulang, doble pa ang hirap nito para sa isang single parent. Walang ibang makakatulong sayo kundi sarili mo lang talaga. Gawing inspirasyon ang mga taong humuhusga sa iyong pagkatao, at gawing lakas ang iyong anak na tanging ikaw lamang ang inaasahan.

Sa halagang 50K, isang ama pina-WOW ang marami sa naitayong magandang bahay at may aircon pa!

Barbie Imperial tinanggal sa GirlTrends dahil umano sa klase ng pagsasayaw nito